JUN LALIN
Nakita ko si Roselle Monteverde-Teo habang ka-*meeting si Leo Dominguez (manager nina Lovi Poe at Ogie Alcasid) sa Greenhills, San Juan.
Inusisa ko si Roselle kung narinig na ba niya ang tsikang gimmick lang ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films para sa pelikulang Temptation
Island ang away ni Marian Rivera at ng isa pang female star ng kanilang pelikula.
“Oo nga. ‘Kaloka naman, alangan namang gagawa kami ng gimmick. Ayaw nga naming palakihin ang isyung ‘yan,” sabi ni Roselle.
May iba kasi na nagdu*duda na baka gimmick lang para sa promo ng Temptation Island ang gulo sa pagitan ni Marian at ng isa pang female star ng peli*kulang ‘yon.
Siyanga pala, isa pang ikinaloka ni Roselle ay ‘yung Temptation Island dolls na naglalabasan.
Wala raw silang kina*laman tungkol doon.
Wala raw silang kahit na sinong binigyan ng karapatan para gumawa ng manika ng mga bida nila sa pelikulang ‘yon.