Saturday, June 25, 2011

Dingdong ayaw nang makialam sa awayang Marian at Heart

PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio

BOOM: Ayaw na ni Dingdong Dantes na magbigay ng komento sa hidwaan nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Naiintriga na kasing hindi na raw gagawin ni Dingdong ang drama series na pagsasamahan dapat nila ni Heart.

Tinext namin si Dingdong at nakiusap itong huwag muna siyang hingan ng ano mang reaksiyon sa isyu ng dalawa.
Kahit si Marian ay nakiusap na ring huwag nang idamay pa si Dingdong sa isyu nila ni Heart.
“Kawawa naman po si Dong na wala siyang kinalaman dito. Sana huwag na po natin siyang isali dito,” pakiusap ng isa sa mga bida ng Temptation Island.