Friday, June 24, 2011

Marian naglabas ng sakit at sama ng loob sa lola at nanay

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles 

Hindi na sumalang sa one-on-one interview si Marian Rivera after the general presscon ng Temptation Island. Umalis na ito kasama ang manager na si Popoy Caritativo para hindi na matanong ng tungkol sa kanila ni Heart Evangelista. Hanggang sa tabi ng manager, umiiyak pa rin ang aktres at ina*lo lang nina Popoy, Leo Dominguez at ilang press people.

Maganda ring hindi na na-interview si Marian dahil baka nadagdagan pa ang mga sinabi nito. After the presscon, kasama nito ang ina at lola at sa dalawang importanteng tao sa buhay niya naglabas ng sakit at sama ng loob.

Anyway, pinanood ni Marian ang original Temptation Island at ginaya niya si Azenith Briones, dinagdagan at in-update lang ang lines niya para isabay sa panahon ngayon.