Si Lovi Poe ang tinaguriang ‘star witness’ sa insidente sa airport sa pagitan ni Marian Rivera at ng mag-inang Heart Evangelista at Cecile Ongpauco.
Bukod sa nasaksihan ni Lovi ang buong pangyayari ay sa kanya umiyak si Marian dala ng sama ng loob sa nangyaring eksena sa airport.
Nang usisain ng press ang cast ng Temptation Island kung ano ang maisi-share nila hinggil sa nangyari kina Marian at Heart ay si Lovi ang pinaka-safe ang sagot.
“I don’t know what to say. I don’t know. I guess, I’m just saddened by the turn of events. That’s it,” ang maiksing tugon ni Lovi.
Nang pilitin pa rin siyang pagsalitain ng press ay mas diplomatic ang sagot ni Lovi.
Aniya, “I’m sorry, but I think it’s best na we don’t talk about it now because the other party is not here to defend herself.
“So, I think it’s best kung huwag na lang pag-usapan. Let’s just talk about the movie.”
Si Solenn Heussaff ay aminadong nabigla sa nangyari, pero wala rin siyang naikuwento kung anong nasaksihan niya sa airport pagbalik nila ga*ling Laoag.
“Nagulat na lang ako, kasi I didn’t notice anything on the set (sa Ilocos). So, if something really happened that was very surprising or whatever, I would’ve noticed. Kasi, we’re so little cast,” ani Solenn.
Clueless din ang da*ting ni Rufa Mae Quinto.
“Na-sad din ako, kasi hindi ko napansin. Kasi kami ni Solenn, busy kami sa kaka-swimming, ganyan. Ha! Ha! Ha! So, parang hindi namin talaga alam ‘yung nangyari. Pagdating lang namin.
“Sinabi ko naman kay Lovi at kay Solenn na huwag na tayong makisama pa. Kumbaga, kung puwedeng makatulong tayo para maayos at hindi na madagdagan kung anuman ‘yung tensyon na nando’n.
“‘Yun ang sinabi ko. Siyempre, hoping kami na magkaayos. And si*yempre, nakaka-sad din, ‘di ba? Kasi nga, sa*yang,” pakli ng sexy come*dienne.
Ang bale karagda*nag nai-share ni P-chi, sa pagkakaalam daw niya ay lima lang ‘yung bodyguards na kasama ng mommy ni Heart.
Kung 15 man daw ‘yung nandu’n sa airport nu’ng time na ‘yon, ‘yung iba raw doon ay gusto lang magpa-picture at hindi bodyguard ni Heart. ‘Yun daw ang sabi kay P-chi.
Si John ‘Sweet’ Lapus ay wala roon sa airport nang maganap ang insidente dahil nauna na siyang umuwi ng Maynila. Tapos na kasing kunan ang mga eksena niya sa Ilocos.
Sabi ni Tom Rodriguez, narinig niya lang na nagkakagulo ang mga tao sa paligid, pero hindi niya alam kung anong nangyayari dahil ang da*ming tao na nakapalibot sa kanila.
Nalulungkot daw siya sa nangyari dahil ang saya-saya nila nu’ng nasa Laoag sila.
Si Mikael Daez ay dumiretso na agad palabas ng airport dahil wala siyang check-in luggage na kailangang hintayin.
Pumasok agad siya sa kotse niya kaya hindi niya alam na may nangyari.