Monday, December 12, 2011

Marian Rivera.at Christmas Plug Shoot PP

BrOLuWiLuWi LuWi BeRnArDo Party Pilipinas #Christmas Plug Shoot with Marian Rivera... lockerz.com/s/163264720





What's for Christmas MKs?





Happy Holidays! From Panasonic :)





"Cheap man 'yan or mahal, wala lang yun dahil si Dong, para sa akin, priceless." - Marian (UPDATED)

PART 1. Marian Rivera on Ducati gift to boyfriend Dingdong Dantes: "Cheap man 'yan or mahal, wala lang yun dahil si Dong, para sa akin, priceless."

Rose Garcia
Friday, December 9, 2011

Nagiging yearly na ang pagbibigay ng Christmas party ni Marian Rivera para sa entertainment press, katuwang ang talent arm ng kanyang manager na si Popoy Caritativo, ang Luminary Talents.

Bukod kay Marian, kasama rin sa mga mina-manage ng Luminary sina Dennis Trillo, Martin Escudero, Jestoni Alarcon, AJ Dee, at Janice de Belen.

Ginanap ang Christmas party para sa press ni Marian at ng Luminary kahapon, December 8, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

2011 FOR MARIAN. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian, ipinalarawan namin sa kanya ang matatapos na taon, ang 2011.

Hindi naman kaila na marami ring pinagdaanang mga kontrobersiya at intriga ngayong taon si Marian. Pero lahat ng ito ay nalampasan at napagtagumpayan niya.

Ngunit para sa tinaguriang primetime queen ng GMA-7, "masaya" ang 2011.

"Masaya! Masaya talaga," nakangiti niyang sabi.

"Masaya talaga, e.

"Ang Amaya, naging successful.

"Kami naman ni Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend], mas naging maayos.

"Ang pamilya ko, mas naging...alam mo yun, happy.

"Wala, e, masaya.

"So, walang reason para hindi ka magsaya at mag-share ng blessing mo talaga."

Paano naman niya aabangan ang 2012?

"Ay, masayang-masaya!" bulalas ng aktres.

"Bilang alam ko na marami akong pelikulang gagawin. Tapos yung sitcom ko pa.

"And by May yata, sisimulan ko na ulit ang bago kong soap."

EXPENSIVE GIFT FOR DINGDONG. Nasulat sa PEP Alerts na naibigay na ni Marian ang advance Christmas gift niya sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Ang iniregalo ni Marian kay Dingdong ay isang Ducati motorcycle, na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 million.

Sa hiwalay na panayam kay Dingdong ay sinabi nitong maging siya ay nagulat sa iniregalo sa kanya ng girlfriend.

Pero bakit nga ba isang mamahaling motorsiklo ang naisipang iregalo ni Marian kay Dingdong? At bakit tila inunahan niya ang nobyo sa pagbibigay ng regalo.

Paliwanag ni Marian, "Actually, wala sa mahal 'yan. Kung anong bagay 'yan.

"Kasi si Dong, hindi mo maitutumbas kahit gaano pa kamahal or ka-cheap na regalo.

"Para kasi sa akin, priceless si Dong.

"Deserve niya 'yan dahil sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, kulang pa 'yang materyal na bagay na 'yan."

Hindi na matandaan ni Marian ang eksaktong oras kung kailan niya ibinigay kay Dingdong ang motorsiklo.

Aniya, "Basta ang alam ko, sinorpresa ko siya diyan.

"Kasi alam ko, 'yan talaga ang gusto niyang bilhin.

"At bilang magki-Christmas na, siguro para hindi na rin ako mag-isip, binili ko na lang."

May iba pa ba siyang gift kay Dingdong sa mismong araw ng Pasko?

"Meron naman," sagot ni Marian.

Meron pa rin bukod sa motorsiklo?

"Card! Ano pa ba? Card, di ba?" natatawang sabi niya.

Milyon ang sinasabing halaga ng Ducati. Pero idiniin ni Marian na huwag na ang presyo ng regalo niya ang pag-usapan.

Ayon kay Marian, "Kaya nga sabi ko, huwag na nating pag-usapan ang price.

"Cheap man 'yan or mahal, wala lang yun dahil si Dong, para sa akin, priceless."

Hindi kaya makaramdam naman ng pressure si Dingdong sa ireregalo nito sa kanya dahil sa naging regalo niya?

Pero ayon kay Marian, "Hindi...alam naman ni Dong at alam naman ng mga taong malapit sa buhay ko na hindi naman ako mahirap i-please.

"Kahit ano, puwede sa akin."

Ano ang naging reaksiyon ni Dingdong nang makita nito ang regalo niya?

"Mangiyak-ngiyak siya!" ang natatawang sabi ni Marian.

Dahil nalaman niya kung ano ang gusto ni Dingdong, siya ba ay tinatanong din ng aktor kung anong regalo ang gusto niya ngayong Pasko?

Sabi ni Marian, "Kilala niya 'ko, e.

"Kahit hindi niya ako tanungin, alam niya naman ang mga okay sa hindi sa akin.

"At tulad ng sabi niya, at alam kong sinabi ko yun sa kanya, hindi ako mahirap i-please.

"Kahit ano pa 'yan, madali akong pasayahin."

NOT EXPECTING ANYTHING IN RETURN. Sinabi rin ni Marian na wala siyang expectation na dapat ay magtapatan sila ng regalo sa isa't isa.

"Wala, walang ganoon.

"Dahil kahit ako rin naman sa family ko, kahit anong ibinibigay ko, wala akong ine-expect.

"Basta happy lang ako na masaya sila kung ano ang binigay ko."

Talagang generous lang siya?

"Wala, e... The reason kung bakit ako nagtatrabaho, siguro para sa sarili ko, makaipon ako, maging okay ako.

"At mapasaya ko at ma-extend ko kung ano ang meron ako sa pamilya ko, mga mahal ko sa buhay, bakit naman hindi?

"At saka sa inyo [press]. Ganoon ako, e."

Ano naman ang Christmas wish niya?

"Ang wish kasi, hindi nauubos sa isang tao.

"Pero siguro ako, bilang ako, makukuntento ako kung ano ang meron ako.

"At siguro, ang isa pa, palalawakin ko na maging masaya lang ako palagi.

"Yun ang pinakamagandang remedy sa lahat ng nangyayari," saad ni Marian.

Ano naman ang plano nila ni Dingdong ngayong Kapaskuhan?

"Wala, ganoon pa rin.

"Siguro, sa 24, sa kanila. Sa 25, sa Cavite [kina Marian].

"Ganoon naman kami palagi."

Wala silang planong mag-out of town ngayon?

"Hindi pa napag-uusapan," sagot ni Marian.

"Ang Amaya kasi, babalik ako ng taping ng Deceember 27, 28, 29.

"Tapos ang balik ko, January 2."

PREDICTIONS. Masasabing masuwerte sina Marian at Dingdong sa isa't isa.

Kahit gaano sila kaabala, nakakapaglaan pa rin sila ng oras para sa isa't isa hindi kagaya ng ibang showbiz couples.

Pero ayon kay Marian, "Mahirap i-compare ang relationship namin sa iba.

"Pero, napag-uusapan namin 'yan at nasasabi namin sa sarili namin na sobrang thankful kami kung ano man ang meron kaming dalawa."

Hindi rin nagpapaapekto sina Marian at Dingdong sa mga hula-hula.

Nandiyan nga ang hula na sa taong 2012 ay maghihiwalay na raw sila.

Pero nakangiting sabi ni Marian, "Marimar pa lang, hinuhulaan na ako.

"Alam n'yo, hindi ko rin naman masisisi kung ganyan ang mga hula sa amin, nirerespeto ko sila.

"Pero ang masasabi ko lang, walang sinuman ang makakatalo sa prayers. Walang sinuman talaga."

WEDDING BELLS. Baka naman kasi wedding na ang magaganap ng 2012?

"Well, mahirap, e.

"Mahirap kasing pangunahan ang mga bagay-bagay.

"Feeling ko nga, kaya hindi natutuloy, tanong kayo nang tanong.

"Nauudlot, e!" natatawa niyang sabi.

Nung magsimula ang 2011 ay may mga naglabasang balita na kesyo ikakasal sila bago magtapos ang taon.

Kaya tinanong namin si Marian kung hindi lang ba yun natuloy o wala pa talaga silang plano?

"Wala. Hindi pa namin napag-uusapan.

"Siguro ano rin, nagpi-pray ako kung ready ako.

"Parang sa panahon kasi ngayon, marami pa akong gustong gawin," sabi niya.

Ayaw pa ba niya kung saka-sakaling yayain na siya ni Dingdong na magpakasal?

"Hindi sa ayaw... Pero siguro, darating ang mga bagay sa ganyan sa mga tamang panahon.

"Kasi mahirap i-rush, e. Mahirap magkamali.

"Dahil ang pag-ibig at pagpapakasal, hindi naman basta-basta 'yan.

"At gusto ko, kapag nagpakasal ako, forever.

"Kahit anong mangyari, lahat, gusto ko nandoon na.

"Ayoko yung atrasan."

THE RETURN OF DONG-YAN LOVETEAM. Matagal-tagal na ring hindi napapanood sina Marian at Dingdong na magkapareha—sa TV man o pelikula.

Ang huli nilang pagtatambal ay sa primetime series na Endless Love noong 2010.

May posibilidad ba na magsama silang muli sa 2012?

"Sana, yun ang alam kong naka-lineup sa amin. Sana..."

Yun bang sisimulan niyang serye sa May 2012 ay posibleng si Dingdong ang makakapareha niya?

"Sana...depende rin kung ano ang gagawin ni Dong.

"Depende rin sa soap ni Dong kung kailan tatagal.

"Alam mo yun? Depende rin sa kanila."

Nakatakdang simulan ni Dingdong ang primetime series na My Beloved, na dapat sana'y pagtatambalan nilang muli ni Rhian Ramos.

Pero balitang papalitan na si Rhian ni Carla Abellana.



The Amaya Girls sing "Dancing Queen"





Marian Rivera Personifies Girl Power on the Dance Floor, PP, 12-11-11





The Amaya Girls sing "Dancing Queen"





Thursday, November 17, 2011

Aljur Abrenica admits being intimidated by Amaya co-star Marian Rivera: "Kapag may eksena kami, hindi ako nakakahinga.

Rose Garcia

Thursday, November 17, 2011



Para na ring gumawa ng isang buong teleserye si Aljur Abrenica kung pagbabasehan ang haba ng panahon na nakasama siya sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya.



Gumaganap si Aljur dito bilang isang mandirigma, si Dayaw.



May dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula nang pumasok siya sa Amaya, na nagsimulang umere noong May 30, 2011.



Isa si Aljur sa natuwa nang malamang na-extend ang kanilang programa hanggang sa January 2012.



Kuwento ni Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Tomas Morato, "Masaya ako sa Amaya kasi marami akong nakakatrabahong batikang aktor.



"Tapos, nandiyan si Marian Rivera na isa sa...kumbaga, itinuturing nating reyna ng primetime.



"Kaya isang malaking karangalan na makatrabaho siya, lalung-lalo na sa direktor namin na si Direk Mac Alejandre."

TEAM UP WITH MARIAN. Ito rin ang unang pagkakataon na naging love interest ni Aljur si Marian sa isang proyekto.



Hindi itinanggi ng young actor na noong una ay nailang siya sa bida ng Amaya.



Ayon kay Aljur, "Kami ni Marian, marami na kaming trabahong pinagsamahan.



"Mula sa Dyesebel, tapos Temptation Island.



"Ang bago lang sa amin, nagkaroon ako ng love interest sa kanya.



"At first, nai-intimidate ako sa kanya.



"Kapag may eksena kami, hindi ako nakakahinga. Hindi ako nakakapag-relax.



"Pero si Marian, sobrang suportado ako niyan.



"Kahit sa Temptation Island, sinusuportahan niya ako.



"Palagi niya akong gina-guide kahit sa Amaya."



Kuwento pa niya, "Ipinapaintindi niya sa akin ang mga hindi ko maintindihan. Pati sa eksena mismo.



"Minsan, may love interest...parang hindi nakikita sa akin, kasi nauuna hiya ko.



"Siya na ang nagsasabi na, 'Hawakan mo ako sa kamay.'



"Minsan, hahawakan niya ako sa kamay, magugulat talaga ako.



"Naiilang, nai-intimidate ako sa kanya... Bihirang mangyari sa akin 'to, ha!



"Pero sa kanya, nai-intimidate ako kasi, sobrang ganda niya. At saka, stunning.



"Sikat kasi, reyna nga ng primetime, GMA."



Ngayon ba, nawala na ang ilang niya kay Marian?



"As compared noon, masasabi kong oo," sagot ni Aljur.



Paliwanag niya, "It takes time naman para maging kumportable ako sa kanya.



"And isang malaking break sa akin na makapasok sa Amaya, sa number one show ng GMA-7 at, yun nga, makasama siya. "



DEFENDING MARIAN. Ipinagtanggol din ni Aljur si Marian sa mga negatibong isyu na ibinabato sa aktres.



Ayon kay Aljur, "Lahat ng negative para sa akin na sinasabi sa kanya, hindi totoo.



"Siyempre, natural naman yun, lumalabas ang mga yun, nasa showbiz tayo.



"Pero it takes time and effort para makilala mo ang isang tao, di ba?



"Ako, nakilala ko na rin si Marian sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi siya yun.



"Sa totoo lang, kapag nakilala n'yo si Marian, mas hahangaan n'yo siya."



Looking forward ba siya na makatrabahong muli si Marian?



"Oo!"mabilis niyang sagot.



"Isang malaking karangalan na makasama ko siyang muli sa any job, project or character, okay na okay po."



ABANGAN SA AMAYA - NOVEMBER 16-2011

credit to the owner






Marian Rivera cites similarities with character Arlana in “Panday 2″

By: Elli Alipio

Kahit sobrang busy sa kanyang serye sa GMA-7 na Amaya, hindi pinalampas ni Marian Rivera ang oppurtunidad na mapasali sa Panday 2 kung saan kasama niya sina Senator Ramon “Bong” Revilla, Iza Calzado, at ilan pang malalaking artista.

“Ako dito sa Arlana,” maikling simula ni Marian.

Pagpapatuloy niya, “Ahm…bata pa lang si Flavio [Sen. Bong Revilla], maniwala kayo sa hindi magkaedad kami ni Flavio dito,” sabay tawa ng aktres.

“So bata pa lang siya [Flavio], e, magkasama na kaming dalawa.

“‘Tapos sa lahat ng pagkakataon na kinakailangan niya na i-save siya at mailigtas siya sa mga panganib, palaging nandoon si Arlana.

“Parati siyang nandiyan para tingnan si Flavio, para i-guide si Flavio. So gano’n yung character ni Arlana.

“At dumating sa puntong pinagpalit niya [Arlana] yung, yung katahimikan nung pamilya niya… nung family niya para lang do’n sa love niya. May pagkagano’n [ugali] si Arlana.”

HARD TO RESIST. Ano yung reason bakit di niya pinakawalan ang pelikulang Panday 2?

“Maganda yung twist niya, e, at saka, iba yung character. First time kong magiging dragon.

“Ahm…first time na makikita ng tao na, first time na pagtatambalan namin ni Kuya Bong [Revilla].

“At saka maganda yung naka-costume ako dito din, na medyo sexy yung dating.

“Parang, ‘wow!’ ang bigat, e. Kung titingnan mo parang ang tagal nung Panday, yun pala si Bagwis babae.

“Kasi alam ng lahat na lalake, kaya pala siya nagseselos kasi babae pala siya.”

ONLY FOR MARIAN! Ayon kay Direk Mac, kino-conceptualize pa lang daw ang istorya, naisip nilang bagay ang role sa kanya.

“Oo nga. Actually nung tinanggap ko ito, yun, yung sinabi nila sa akin.

“Siyempre ang saya ko lang, na nakakataba ng puso, bilang artista sasabihin, ‘ginawa ito para sa ‘yo. Ikaw ang bagay dito, ‘tapos ikaw yung gagawa [gaganap].’

“Siyempre ibig sabihin, gano’n kalaki yung tiwala nila sa kakayahan ko para gawin si Arlana dito sa Panday,” masayang kuwento ni Marian.

Dagdag pa niya, “Actually nag-usap kami ni Direk [Mac] bago ko tanggapin. Nag-usap din kami ni Direk, na…sabi ko ‘Ahm…maganda yung istorya, gusto ko si Arlana, ahm…sige.’

“Sabi ko, ‘Gawin natin ‘to!’ Ayon, so nag-usap na sila Popoy [Caritativo, her manager], nag-usap na sila Kuya Bong, sila Miss Anette [Guzon of GMA Films].

“‘Tapos siyempre kinonsider din namin si Mother Lily, kasi Regal ako, Regal baby ako. So binigay nila ako. So gano’n [ang nangyari].

“Kaya walang hassle. Lahat smooth lang. Lahat pumayag. Lahat okay, so walang dahilan para hindi tanggapin.”

GIVE ME THE SCRIPT! Paano ka nag-prepare sa Panday 2?

“Binasa ko muna yung script talaga,” sambit agad ng aktres.

“Actually sabi, nung una kasi sabi ino-offer nga daw siya sa akin, so sabi ko ahm…‘Puwede ko munang basahin muna yung script?’

“Binigay sa ‘kin yung script, nagustuhan ko siya. Tinawagan ko si Popoy, sabi ko ahm… ‘Momsy, maganda yung script, kukunin ko.’

“Kasi gano’n kami ni Popoy, e. Kailangan ko munang basahin yung script. Intindihin ko muna kung kaya ko [gawin].

“Kung maganda yung story, siyempre kino-consider ko din yun. At sobrang ganda niya, sobrang ganda nung character ni Arlana dito.”

DRAGON LADY. Kumusta naman ang acting niya bilang dragon, at si Bagwis?

“Nakakatuwa kasi may mga eksena na, ‘O, game, magiging dragon ka,’ [sabay sabi ko ng] ‘Rawr!’

“‘Tapos magta-transform kasi siya, e. ‘Tapos lumilipad, ‘tapos biglang la-landing ako, mga gano’n.”

Nagsuot siya ng harness?

“Mero’n.”

Nahirapan ba siya?

“Well…masakit siya, oo. Pero wala, at least may idea na ‘ko kung paano siya.

“Nag-Darna na ‘ko. Madami na ‘kong napagdaanan diyan.”

Pag nagbibihis siya as dragon, ano costume niya?

“Ano, ‘yan! Medyo may mga koro-korona,” sabay ngiti ni Marian.

So may action scenes din siya?

“May action? ‘Pag nagiging dragon ako, e, yung dragon ang nakikipaglaban, siya ang nakikipag-fight.

“Mero’n lang akong eksena kay Kuya Philip [Salvador as Lizardo] na hinuli niya ‘ko, na gusto kong makawala sa kanya, mga gano’ng eksena lang.

“Pero fight scenes, Amaya yun. Amaya yun, Amaya. Warrior na yun,” sabay tawa ni Marian.

SIMILARITIES WITH ARLANA? Ano ang mga katangian ni Arlana na masasabi niyang nagkakapareho sila?

“Si Arlana kasi ano, e, ahm…lovable siya, e.

“‘Tapos sa, pagdating sa family niya, love niya yung family niya. At siguro, kapag may love siya, lahat gagawin niya para mapatunayan din sa family niya na…

“‘Ay! Deserve ko ‘to, mabait siya, okay siya.’

“So si Arlana gano’n siya, e, patutunayan niya na worth ito, kaya ko ito ginagawa, kasi mabait na tao ito. Parang gano’n.

“Gano’n si Arlana, sobrang lovable siya. Mabait siya sa nanay niya, sa kapatid niya.

“Yung kapatid niya kahit hindi masyadong mabait sa kanya, mabait pa rin siya.”