Friday, June 24, 2011

“Pinalaki ako ng lola ko na may respeto sa mas nakatatanda sa akin" - Marian

Written by : Chit Ramos

“Pinalaki ako ng lola ko na may respeto sa mas nakatatanda sa akin,” humihikbing wika ni Marian Ri-vera sa bonggang presscon ng Temptation Island na pri-nodyus ni Mother Lily under Regal Entertainment at ng GMA Films.

Actually, iwas nang iwas si Marian na sagutin ang anu- mang tanong tungkol sa diu-mano’y issue against her and Heart Evangelista (kung sa-an involved ang mommy ng huli).

Lumalabas na akala ni Heart ay siya diumano ang pinag-uusapan nina Marian at Lovi Poe at ikinairita itong isinumbong niya sa kanyang mommy. Iyon nga, tinara-yan diumano ng mommy ni Heart si Marian at humantong pa ito sa pag-hire ng mga PSG the next day para hindi malapitan ni Marian si Heart saan man sila magkita.

Inamin din ni Marian na siya mismo ang nag-suggest kay Mother Lily na kunin si Heart para makasama nila sa bongga at pinag-uusapang remake ng obra ng yu-maong direk Joey Gosiengfiao.

Hindi naman daw siya nagsisi sa pagkakarekomenda kay Heart dahil noong makasama niya ito sa GMA naging close sila.

“Kaya nga hindi ko aka-lain na gagawin nila ‘yun sa akin. Nanghihinayang lang ako dahil, maganda ang na-ging samahan namin noong una. Akala ko, kaibigan ko siya. Malinaw na may nangyari, pero, parang wala na sana iyon. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito.”

Nang mahimasmasan, nagbiro na si Marian: “Mag-ha-hire na rin ako next time ng isang dosenang bakla na magiging bodyguards ko para magbantay sa akin. Magiging masaya pa.