PAGKATAPOS magsalita ni Marian Rivera kaugnay sa isyu nila ni Heart Evangelista, ang hinihintay ay ang sagot ng huli o ng ina ni Heart na si Mrs. Cecilia Ongpauco.
Nakarating agad kay Heart ang mga nangyari sa presscon at kinagabihan ay nabasa na namin ang mga tweet niya:
“Why is it so unfair? too much.”
“Someone... please do something if not I will have no choice.”
“I may not be on the same page with mom 90% of the time but she is my mother so stop bashing her. If any lie is said with your info displayed then you will get what you deserve. Sobra na po talaga.
Totally not fair anymore. This will be the last time I will tweet about this ne*gative vibe.
I am on vacation and having a nice time and all I ever wanted was to finally laugh since all I did was be silent and cry. Tama na po. Let’s not be unfair. God bless and peace to all.”
Ang isa sa pinakahuli niyang ipinost ay hango sa The Notebook, “I hate when something completely kills you inside and you have to try and act like it doesn’t matter.”
Ilan sa mga nakisimpatiya kay Heart ay nagkomento na unfair ito sa aktres dahil wala ito sa presscon kaya hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili.
Si Heart ang umalis pa-Brazil kahit alam niyang magsu-showing na ang Temptation Island at meron itong presscon.
Inuna ni Heart ang pag*liliwaliw kasama ang boyfriend kesa tumulong sa promo ng movie.
Hindi maiwasang pag-usapan ito dahil iyan ang matagal nang pinag-usapan at hindi ito nabigyan ng linaw mula sa mga taong sangkot.
Ang pagkakaalam ko, kahit nandu’n si Heart sa presscon, magsasa*lita pa rin si Marian.
“Alam n’yo naman ako, ayokong magsinungaling kung meron tala*gang nangyari. Hindi ako magpaka-plastic na wala kung meron naman talaga,” sambit ni Ma*rian sa amin bago siya pinaupo sa presidential tabl*e para simulan ang presscon.
Pagkatapos ng presscon ay hindi na nagpa-interview si Marian at tapos na raw iyun.
Ayaw na niyang paulit-ulit pa itong pag-usapan. Ang mahalaga ay naibulalas niya ang saloobin niya sa gulong iyun.
Kung meron mang sagot si Heart at ang ina nito, ayaw nang patulan pa ito ni Marian dahil iniiwasang magbangayan pa sila sa publiko.
Ayon sa ilang taong malapit kay Marian na nakausap namin, okay na kay Marian kung ano man ang napagtalunan nila ni Heart at naayos ito sa shooting.
Ang ikinasama ng loob ni Marian ay ang ginawa ng mommy ni Heart at salubungin ba naman siya ng mga pulis at bodyguard sa airport?!
Hindi kriminal si Ma*rian at lalong hindi siya banta sa buhay ni Heart.
Iyun lang ang ikinasama niya ng loob na parang ipinapalabas na ganu’n sila ka-powerful para magdala ng sangka*tutak na pulis.
Si Kris Aquino ba si Heart para bigyan ng ganu’ng proteksyon?
Ang alam ko, magka-birthday lang sila ni Kris!