Thursday, June 23, 2011

Marian, nagulat sa pagtili ng mommy ni Heart

ALLAN DIONES

NAGSALITA na si Maria*n Rivera tungkol sa isyu sa pagitan nila ng Temptation Island co-star niyang si Heart Evangelista.

Nasa Brazil ngayon si Heart at nagbabakasyon kasama ang nobyong si Daniel Matsunaga kaya wala ito kahapon sa presscon ng Temptation Island.

“Humihingi ako ng dispensa na may mga ganitong issues, ‘di ba? Pasensya na. Pero bilang naungkat na ‘yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako -- lahat ng cast, staff and crew -- maayos kami ni Heart.

“Sobrang nag-usap kami. Naging okey kami, lahat. Sorry, ida-drop ko ‘yung name ni Lovi (Poe, na kasama rin nila sa pelikula), pero nandun’n siya. Nag-usap kami (ni Heart). Wala nga kaming pinag-awayan, wala talaga.

“As in hindi kami nag-away. Walang anything na nangyari. ‘Yun na nga lang, pagdating doon sa airport, nagulat ako. Pero walang away na nangyari. Hindi talaga totoo ‘yon,” simulang bulalas ni Marian.

Kung walang away na namagitan sa kanila ni Heart, nagkaroon ba sila ng pagtatalo?

“Siguro, misunderstanding… na (bilang) magkaibigan. Pero sa nangyari du’n sa airport, parang hindi yata niya ako kaibigan. Parang nagulat lang ako na bakit nagkaroon ng gano’n, eh pag-alis namin galing Laoa*g, maayos kaming lahat. Masasaya kaming lahat.

“So, medyo nagulat na rin ako nu’ng pagda*ting kong airport, may mga ganu’ng nangyari, na kahit ako, parang na-shock ako. Na buti, nandu’n si Lovi sa tabi ko para… alam mo ‘yon? I-comfort niya ako na sa mga nangyari.

Alam n’yo na ‘yon,” sabi pa ng tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network.

Ang ‘nangyari’ na tinutukoy ni Marian ay ‘yung insidente sa airport pagbalik nila ng Maynila galing ng shooting nila ng Temptation Island sa Ilocos.

Balitang nagulat na lang siya nang makitang may kasamang bodyguards (o mga pulis?) ang mommy ni Heart.

At nang akmang bebeso umano siya kay Heart para magpaalam ay tumili ang ina ni Heart ng, “Stay away from my daughter!” Tapos ay inilayo raw ng mga bodyguard si Heart kay Ma*rian para huwag nitong malapitan.

Balitang napaiyak si Marian sa eksenang ‘yon sa airport at napahagulgol siya sa kaibigang si Lovi.

Sa presscon kahapon sa Imperial Palace Suites ay tumangging idetalye ni Ma*rian kung ganu’n ang nangyari.

Wala bang ginawa si Heart pagkatapos ng eksenang ‘yon sa airport? Hindi na ba sila nagkausap?
“Hindi, hindi kami nagkita. Hindi kami nag-usap. Wala pong gano’n.”

Hanggang sa nakaalis si Heart papuntang Brazil?

“Yes. ‘Yun ang point du’n, eh. Akala ko kasi, maayos kami. ‘Yun pala hindi, para sa kanya. Nagulat lang din ako.”

Ibig sabihin ba ay hindi sila nagkaayos na da*lawa?

“Hindi, hindi. Okey kami, eh. ‘Yun ang pinu-point ko. Maayos kami. Wala ngang isyu. Walang away na nangyari.

“Nagulat na lang ako na pagdating dito, eh ganu’n ‘yung nangyari.”

Masama ba ang loob niya ngayon dahil sa nangyari sa kanya sa airport, lalo na sa mommy ni Heart na dawit din sa isyu?

May nagbanggit ng salitang ‘bodyguard’ bago nakasagot si Ma*rian kaya napadayalog siya ng, “Next time, kung kinse ‘yung dala nila (na bodyguards), ako siguro, mga isandaang bakla ang dadal*hin ko para ipagtanggol ako! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

Kinse ba talagang guwardiya (o pulis?) ang dala ng madir ni Heart sa airport?

“Eh kasi, ang hirap ding magbuhat ng sari*ling bangko, na ‘Eto ‘yung nangyari. Eto ‘yung nangyari!’

Siguro, itanong n’yo na lang ‘yan sa mga cast. Sorry, ha? Sa mga staff na nandu’n, ‘yung mga taong nandun.

“Sila mismo ang tanungin kung anong nangyari at kung anong ginawa ko at kung anong ginawa nila,” paiwas na sagot ng dalaga.

Anong nararamdaman niya ngayon para kay Heart at sa ina nito?

“Sa nangyari sa airport? Salamat po sa Diyos na pinalaki ako ng magulang ko na may respeto sa nakakatanda sa akin,” pakli ni Marian.

***

Parang sinasabi niya na ‘yung nangyari sa kanila ay something bet*ween friends.

Ano ba ‘yung ‘something’ na ‘yon na puwedeng maging dahilan para magkaroon sila ng hidwaan ni Heart?

“Wala naman kasi talaga. Eto talaga ‘yung punto diyan, ha? Alam ni Lovi ‘yan. Wala tala*gang nangyari. Ang hindi ko lang alam, kung bakit parang may lumabas na nangyari.

“Doon ako naguluhan, na parang ang saya-saya naming nagsu-shooting doon, nag-bonding kami, nakilala ko lalo si Sweet (John Lapus), si P-chi (Rufa Mae Quinto), si Lovi, si Solenn (Heussaff ) na bakla rin pala… alam mo ‘yung gano’n?

“Ang saya-saya namin, na bigla na lang nag*karoon ng ganu’ng isyu na pagdating dito sa Manila, nangyari nga ‘yung hindi ko inaasahan.

“At hindi lang ako. Lahat kami, na-shock talaga,” dayalog ni *Marian.

May nagtanong kay Ma*rian kung ano ba talaga ang buong pangyayari, pero umiwas pa rin siyang ikuwento ang kaganapan.

“Mara*ming ibang taong nando’n (sa airport). Pero siyempre, uunawain ko rin sila kung wala talaga silang masasabi o wala ta*laga silang nakita.

“Ayoko na lang pong mag-comment tungkol sa mga pulis-pulis (o bodyguard) issue na ‘yan, kung anong nangyari sa airport. Kasi, ang dami naman pong nakakita.

“So siguro, sila na lang ‘yung magkuwento kung anong nakita nila du’n, ‘di ba?”

Pero totoong sinigawan siya ng mommy ni Heart?

“Huwag na lang. Doon na lang ‘yon sa mga naka*rinig at nakakita,” safe niya pa ring pahayag.