Thursday, November 17, 2011

Aljur Abrenica admits being intimidated by Amaya co-star Marian Rivera: "Kapag may eksena kami, hindi ako nakakahinga.

Rose Garcia

Thursday, November 17, 2011



Para na ring gumawa ng isang buong teleserye si Aljur Abrenica kung pagbabasehan ang haba ng panahon na nakasama siya sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya.



Gumaganap si Aljur dito bilang isang mandirigma, si Dayaw.



May dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula nang pumasok siya sa Amaya, na nagsimulang umere noong May 30, 2011.



Isa si Aljur sa natuwa nang malamang na-extend ang kanilang programa hanggang sa January 2012.



Kuwento ni Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Tomas Morato, "Masaya ako sa Amaya kasi marami akong nakakatrabahong batikang aktor.



"Tapos, nandiyan si Marian Rivera na isa sa...kumbaga, itinuturing nating reyna ng primetime.



"Kaya isang malaking karangalan na makatrabaho siya, lalung-lalo na sa direktor namin na si Direk Mac Alejandre."

TEAM UP WITH MARIAN. Ito rin ang unang pagkakataon na naging love interest ni Aljur si Marian sa isang proyekto.



Hindi itinanggi ng young actor na noong una ay nailang siya sa bida ng Amaya.



Ayon kay Aljur, "Kami ni Marian, marami na kaming trabahong pinagsamahan.



"Mula sa Dyesebel, tapos Temptation Island.



"Ang bago lang sa amin, nagkaroon ako ng love interest sa kanya.



"At first, nai-intimidate ako sa kanya.



"Kapag may eksena kami, hindi ako nakakahinga. Hindi ako nakakapag-relax.



"Pero si Marian, sobrang suportado ako niyan.



"Kahit sa Temptation Island, sinusuportahan niya ako.



"Palagi niya akong gina-guide kahit sa Amaya."



Kuwento pa niya, "Ipinapaintindi niya sa akin ang mga hindi ko maintindihan. Pati sa eksena mismo.



"Minsan, may love interest...parang hindi nakikita sa akin, kasi nauuna hiya ko.



"Siya na ang nagsasabi na, 'Hawakan mo ako sa kamay.'



"Minsan, hahawakan niya ako sa kamay, magugulat talaga ako.



"Naiilang, nai-intimidate ako sa kanya... Bihirang mangyari sa akin 'to, ha!



"Pero sa kanya, nai-intimidate ako kasi, sobrang ganda niya. At saka, stunning.



"Sikat kasi, reyna nga ng primetime, GMA."



Ngayon ba, nawala na ang ilang niya kay Marian?



"As compared noon, masasabi kong oo," sagot ni Aljur.



Paliwanag niya, "It takes time naman para maging kumportable ako sa kanya.



"And isang malaking break sa akin na makapasok sa Amaya, sa number one show ng GMA-7 at, yun nga, makasama siya. "



DEFENDING MARIAN. Ipinagtanggol din ni Aljur si Marian sa mga negatibong isyu na ibinabato sa aktres.



Ayon kay Aljur, "Lahat ng negative para sa akin na sinasabi sa kanya, hindi totoo.



"Siyempre, natural naman yun, lumalabas ang mga yun, nasa showbiz tayo.



"Pero it takes time and effort para makilala mo ang isang tao, di ba?



"Ako, nakilala ko na rin si Marian sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi siya yun.



"Sa totoo lang, kapag nakilala n'yo si Marian, mas hahangaan n'yo siya."



Looking forward ba siya na makatrabahong muli si Marian?



"Oo!"mabilis niyang sagot.



"Isang malaking karangalan na makasama ko siyang muli sa any job, project or character, okay na okay po."



ABANGAN SA AMAYA - NOVEMBER 16-2011

credit to the owner






Marian Rivera cites similarities with character Arlana in “Panday 2″

By: Elli Alipio

Kahit sobrang busy sa kanyang serye sa GMA-7 na Amaya, hindi pinalampas ni Marian Rivera ang oppurtunidad na mapasali sa Panday 2 kung saan kasama niya sina Senator Ramon “Bong” Revilla, Iza Calzado, at ilan pang malalaking artista.

“Ako dito sa Arlana,” maikling simula ni Marian.

Pagpapatuloy niya, “Ahm…bata pa lang si Flavio [Sen. Bong Revilla], maniwala kayo sa hindi magkaedad kami ni Flavio dito,” sabay tawa ng aktres.

“So bata pa lang siya [Flavio], e, magkasama na kaming dalawa.

“‘Tapos sa lahat ng pagkakataon na kinakailangan niya na i-save siya at mailigtas siya sa mga panganib, palaging nandoon si Arlana.

“Parati siyang nandiyan para tingnan si Flavio, para i-guide si Flavio. So gano’n yung character ni Arlana.

“At dumating sa puntong pinagpalit niya [Arlana] yung, yung katahimikan nung pamilya niya… nung family niya para lang do’n sa love niya. May pagkagano’n [ugali] si Arlana.”

HARD TO RESIST. Ano yung reason bakit di niya pinakawalan ang pelikulang Panday 2?

“Maganda yung twist niya, e, at saka, iba yung character. First time kong magiging dragon.

“Ahm…first time na makikita ng tao na, first time na pagtatambalan namin ni Kuya Bong [Revilla].

“At saka maganda yung naka-costume ako dito din, na medyo sexy yung dating.

“Parang, ‘wow!’ ang bigat, e. Kung titingnan mo parang ang tagal nung Panday, yun pala si Bagwis babae.

“Kasi alam ng lahat na lalake, kaya pala siya nagseselos kasi babae pala siya.”

ONLY FOR MARIAN! Ayon kay Direk Mac, kino-conceptualize pa lang daw ang istorya, naisip nilang bagay ang role sa kanya.

“Oo nga. Actually nung tinanggap ko ito, yun, yung sinabi nila sa akin.

“Siyempre ang saya ko lang, na nakakataba ng puso, bilang artista sasabihin, ‘ginawa ito para sa ‘yo. Ikaw ang bagay dito, ‘tapos ikaw yung gagawa [gaganap].’

“Siyempre ibig sabihin, gano’n kalaki yung tiwala nila sa kakayahan ko para gawin si Arlana dito sa Panday,” masayang kuwento ni Marian.

Dagdag pa niya, “Actually nag-usap kami ni Direk [Mac] bago ko tanggapin. Nag-usap din kami ni Direk, na…sabi ko ‘Ahm…maganda yung istorya, gusto ko si Arlana, ahm…sige.’

“Sabi ko, ‘Gawin natin ‘to!’ Ayon, so nag-usap na sila Popoy [Caritativo, her manager], nag-usap na sila Kuya Bong, sila Miss Anette [Guzon of GMA Films].

“‘Tapos siyempre kinonsider din namin si Mother Lily, kasi Regal ako, Regal baby ako. So binigay nila ako. So gano’n [ang nangyari].

“Kaya walang hassle. Lahat smooth lang. Lahat pumayag. Lahat okay, so walang dahilan para hindi tanggapin.”

GIVE ME THE SCRIPT! Paano ka nag-prepare sa Panday 2?

“Binasa ko muna yung script talaga,” sambit agad ng aktres.

“Actually sabi, nung una kasi sabi ino-offer nga daw siya sa akin, so sabi ko ahm…‘Puwede ko munang basahin muna yung script?’

“Binigay sa ‘kin yung script, nagustuhan ko siya. Tinawagan ko si Popoy, sabi ko ahm… ‘Momsy, maganda yung script, kukunin ko.’

“Kasi gano’n kami ni Popoy, e. Kailangan ko munang basahin yung script. Intindihin ko muna kung kaya ko [gawin].

“Kung maganda yung story, siyempre kino-consider ko din yun. At sobrang ganda niya, sobrang ganda nung character ni Arlana dito.”

DRAGON LADY. Kumusta naman ang acting niya bilang dragon, at si Bagwis?

“Nakakatuwa kasi may mga eksena na, ‘O, game, magiging dragon ka,’ [sabay sabi ko ng] ‘Rawr!’

“‘Tapos magta-transform kasi siya, e. ‘Tapos lumilipad, ‘tapos biglang la-landing ako, mga gano’n.”

Nagsuot siya ng harness?

“Mero’n.”

Nahirapan ba siya?

“Well…masakit siya, oo. Pero wala, at least may idea na ‘ko kung paano siya.

“Nag-Darna na ‘ko. Madami na ‘kong napagdaanan diyan.”

Pag nagbibihis siya as dragon, ano costume niya?

“Ano, ‘yan! Medyo may mga koro-korona,” sabay ngiti ni Marian.

So may action scenes din siya?

“May action? ‘Pag nagiging dragon ako, e, yung dragon ang nakikipaglaban, siya ang nakikipag-fight.

“Mero’n lang akong eksena kay Kuya Philip [Salvador as Lizardo] na hinuli niya ‘ko, na gusto kong makawala sa kanya, mga gano’ng eksena lang.

“Pero fight scenes, Amaya yun. Amaya yun, Amaya. Warrior na yun,” sabay tawa ni Marian.

SIMILARITIES WITH ARLANA? Ano ang mga katangian ni Arlana na masasabi niyang nagkakapareho sila?

“Si Arlana kasi ano, e, ahm…lovable siya, e.

“‘Tapos sa, pagdating sa family niya, love niya yung family niya. At siguro, kapag may love siya, lahat gagawin niya para mapatunayan din sa family niya na…

“‘Ay! Deserve ko ‘to, mabait siya, okay siya.’

“So si Arlana gano’n siya, e, patutunayan niya na worth ito, kaya ko ito ginagawa, kasi mabait na tao ito. Parang gano’n.

“Gano’n si Arlana, sobrang lovable siya. Mabait siya sa nanay niya, sa kapatid niya.

“Yung kapatid niya kahit hindi masyadong mabait sa kanya, mabait pa rin siya.”



Wednesday, November 2, 2011

credit to the owner






Amaya at Philippine Treasures, tumanggap ng pagkilala

gmanews.tv

Tumanggap ng pagkilala mula sa Meycauayan Jewelry Industry Association, Inc., ang top-rating epicserye ng GMA 7 na Amaya at ang Philippine Treasures na documentary special ng News and Public Affairs.

Ang pagkilala na ibinigay ng naturang jewelry association sa Amaya at Philippine Treasure ay bunga ng pagpapakita ng dalawang programa sa mayamang kultura ng Filipino sa tradisyon at pag-aalahas.

Ang Meycauayan Jewelry Industry Association, Inc. ay binubuo ng 135 mag-aalahas sa Meycauayan, Bulacan

Ang Amaya ay pinagbibidahan ni Marian Rivera, habang si Miss Mel Tiangco naman ang naging host ng special documentary na Philippine Treasures.

Karamihan sa mga alahas na ginagamit ng mga karakter sa Amaya ay ginawa ang mga mag-aalahas mula sa Meycauayan.

"Recognitions like this inspire us to make our programs not only more appealing to our audience but also more educational while at the same time entertaining," ayon kay Senior Program Manager Cheryl Ching-Sy, na tumanggap ng parangal para sa Amaya.

"We are thankful to the Meycauayan Jewelry Industry Association for making us the first entertainment program to be awarded by their organization," dagdag ni Ching-Sy.

Ayon naman kay Ms Tiangco: "Isa sa mga mithiin ng programang Philippine Treasures ang palaganapin ang appreciation ng sambayanan sa mga yaman ng ating bansa."

Ang Philippine Treasures ay ipinalabas sa GMA's Sunday Night Box Office (SNBO) noong September 11, habang ang Amaya ay mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. –



MARIAN TO WATCH PACQUIAO

Written by : Mario Bautista


MARIAN Rivera is all set to leave next week to watch the Pacquiao fight in Las Vegas with BF Dingdong Dantes and his family. She has advanced taping some episodes for her epicserye, “Amaya,” and also proud that it was recognized by the Meycauayan Jewelry Industry Association composed of 135 jewellers in Bulacan for the promotion of our country’s jewelry-making heritage. The GMA Public Affairs docu, “Philippine Treasures,” got the same recognition.


“As a story set in our pre-colonial history, ‘Amaya’ features native Filipino jewelry patterned after the most well known designs of the era. Most of the jewelry we used were really crafted by Meycauayan jewellers,” says Marian who, as Amaya, is now ready to fight as a warrior against the abusive Rajah Angaway (Ryan Eigenmann.) This week, Amaya finally becomes friends with the previously hostile Apila (Yasmien Kurdi) while Lingayan (Ayen Munji Laurel) is stabbed by the treacherous Lamitan (Gina Alajar.)


The award from Meycauayan jewellers was received by “Amaya” program manager Cheryl Ching Sy while the award for “Philippine Treasures” was received by its host, Mel Tiangco.



Amaya Spoiler

Written by : Nitz Miralles


Iba na naman ang costume ni Marian Rivera sa Amaya at sa pagbabalik ni Amaya sa dating banwa, si Bagani (Sid Lucero) agad ang makikita niya.


Hindi makikilala ni Bagani ang dalaga dahil sa bagong costume, mga mata lang nito ang nakalabas.


Natuloy na ang kasal nina Rajah Angaway (Ryan Eigenmann) at Lingayan (Ayen Laurel), bagay na hindi pa rin matanggap ni Bagani.


Ituloy kaya ni Lingayan ang banta kay Lamitan (Gina Alajar) na babalikan niya ito ’pag naging hara na uli siya



What will Kapuso stars do with P1 million?

Article posted November 02, 2011

  Ang Ayos Dito ay magbibigay ng one million pesos sa kanilang promo, kaya we asked your favorite Kapuso stars, "What would you do if you had one million pesos?" Read on and find out their million-peso responses. Text by Loretta Ramirez. Interviews by the iGMA.tv team. Photos by Adrian Dave Elpidama.


Marian Rivera: Kung ako ay may one million, marami kasi akong gustong i-invest. Syempre kasama diyan ang family ko, mga nagmamahal sa akin, mga fans. Lahat sila ay dapat mabahaginan ko.



Tuesday, November 1, 2011

Amaya recognized

ISAH V. RED



GMA’s top-rating epicserye Amaya and the Public Affairs documentary special Philippine Treasures were recognized recently by the Meycauayan Jewelry Industry Association, Inc., an organization composed of 135 jewellers in Meycauayan, Bulacan, for the promotion of the country’s rich jewelry-making heritage.



Top-billed by Marian Rivera, Amaya, is an epic series set in the pre-colonial era of Philippine History. Apart from Filipino customs and traditions, the series also features native Filipino costumes and jewelries patterned after the popular designs of the era. Most of the jewelries used in the series were crafted by jewellers from Meycau- dyf-ayan, Bulacan.



Philippine Treasures, on the other hand, is a documentary special that showcased the Philippines’ rich historical and cultural heritage, particularly the country’s priceless artifacts.



“Recognitions like this inspire us to make our programs not only more appealing to our audience but also more educational while at the same time entertaining,” said Senior Program Manager Cheryl Ching-Sy, who received the plaque for Amaya. “We are thankful to the Meycauayan Jewelry Industry Association for making us the first entertainment program to be awarded by their organization,” she added.



“Isa sa mga mithiin ng programang PhilippineTreasures ang palaganapin ang appreciation ng sambayanan sa mga yaman ng ating bansa,” Tiangco said.



Philippine Treasures aired on Sept. 11 on GMA’s Sunday Night Box Office (SNBO), while Amaya airs weeknights after 24 Oras. Due to its successful run, the epicserye was extended until January 2012.



ABANGAN SA AMAYA - NOVEMBER 2-2011

credit to the owner