Jun Nardo
Thursday, June 23, 2011
Saksi si Lovi Poe sa gulong nangyari kina Marian Rivera at Heart Evangelista mula sa shooting ng Temptation Island sa Laoag, Ilocos Norte hanggang sa pag-uwi nila ng Maynila, kung saan na-involve ang mother ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.
Biro nga ng co-star nilang si John "Sweet" Lapus, si Lovi ang "star witness" o "Jessica Alfaro" sa pinag-uusapang isyung ito.
Si Lovi kasi ang kasama ni Marian nang kumprontahin diumano ang Amaya star ng ina ni Heart sa airport.
Pero ano nga ba ang reaksiyon ni Lovi sa isyung ito sa pagitan nina Marian at Heart?
"I don't know what to say. I guess I was saddened by the turn of events," sabi ng aktres sa presscon ng Temptation Island kaninang tanghali, June 23, sa Imperial Palace Suites.
Hindi naman idinetalye ni Marian ang nangyari sa airport kung saan nabalitang may mga pulis o bodyguards diumano na kasama ang mommy ni Heart.
Tungkol dito, sinabi ni Lovi na, "I think it's best na we don't talk about it because both parties aren't here to defend themselves.
"So I think it's best na huwag nang pag-usapan. Let's just talk about Temptation Island."
PEACEMAKER. After ng presscon, muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Lovi.
Lumalabas na si Lovi ang peacemaker kina Marian at Heart. Isang ugaling namana niya yata sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr.
"No, no!" natatawa niyang reaksiyon.
"I think it's best na...especially na maliit lang ang mundo natin, sana mas maganda kapag maayos ang lahat.
"Mas masarap magtrabaho pag ganoon," katuwiran niya.
Pagdating ba ni Heart mula sa Brazil, gagawa sila ng paraan upang magkabati sina Marian at Heart?
"I guess it's better not to talk anymore, like I've said kanina na both parties aren't here to defend themselves.
"I think let's just leave it sa kanila.
"Mas mahirap ayusin kapag marami nang nagsasalita," sabi ni Lovi.
SUPER INSPIRED. Kahit anong pilit kay Lovi na magsalita, siya na rin mismo ang pumipigil sa sa sarili na huwag nang makialam sa nangyari.
Mas piniling magsalita ng young actress sa sitwasyon niya ngayon.
"I guess I'm happier now. I was happy before and happy now," sabi niya.