OF course part na ako ng Regal Films from the beginning kaya alam ko ang Temptation Island ni Joey ‘Peking Duck’ Gosiengfiao noong nagsisimula pa lang sina Alfie Anido at Domingo Sabado (what a screen name, huh!) na ang elder brod na nag-aartista rin noon ay syota ni...
Kasariwaan nina Dina Bonnevie, Bambi Arambulo, Jennifer Cortez at Azenith Briones noon with Deborah Sun na bago pa rin sa eksena.
Ang role ng Dinno Erece noon na si Jonas Sebastian ay si John Lapus ang gumanap ngayon.
Ewan ko kung kasin-delicious ni Jonas si John na binarbecue sa movie.
Nu’ng time na ipinalabas iyun eh iba pa ang halaga ng pera na by the hundreds pa lang ang bilang unlike now na by the thousands na.
Huwag na lang ikumpara ang kinita ng original na Temptation Island sa current and modern one by Chris Martinez.
With marian rivera as the major lead, sana nga ay tangkilikin ito ng milyong fans ni ‘Amaya.’
Hindi sana ako pupunta sa presscon nito sa Imperial Palace dahil ang pagagalitan kong si Aljur Abrenica ay nasa Singapore pala at wala sa presscon (nagpramis kasi ang buwang na magpapadala siya ng longganisa niya pero wah naman!).
Nang may tumawag sa akin at sinabing umiiyak si Marian sa presscon ay bigla akong napasugod doon.
Nasalubong ko na lang si Marian palabas sa pintuan at pasakay na sa naghihintay niyang sasakyan.
Niyakap ako ni Marian at sinabi ang dahilan ng pag-iyak niya, then she left with her manager Popoy.
Pagkatapos nitong Temptation Island ay ang manugang naman ni Gob Chavit ang next in line sa promotions -- si Lovi Poe in the title role of Rio Locsin’s launching movie, Disgrasyada.
Nag-sorry naman si Mother Lily kay Annabelle Rama dahil sa hindi raw ito nakinig kay Bisaya nu’ng papirmahin si Heart Evangelista sa Regal.
“Sori, ha, tama ka pala,” ani Madera kay Bisaya for whatever that means.
Sa July 6 na ang showing ng Temptation Island.