Thursday, June 23, 2011

I thought Heart was my friend-- Marian

Written by : Noel Asiñas

NAIYAK si Marian Rivera habang ikinukuwento ang nangyaring iringan sa pagitan nila ni Heart Evangelista sa presscon ng Temptation Island.

Sobrang na-hurt daw si Marian nu’ng pagsabihan siya sa airport ng mother ni Heart.

May lumabas kasing tsika na pinagsabihan ng mommy ni Heart si Marian ng “Stay away from my daughter.”

“Wala akong nalalaman na nagkasamaaan kami ng loob ni Heart. Okey lahat kami sa set ng Temptation Island. Kaya pati ako, nagulat sa tinuran ng mother ni Heart,” paliwanag ni Marian.

Kami man, may natatandaan noon na sinabi ni Marian na siya pa ang nagkumbinsi kay Heart na tanggapin ang role sa Temptation Island dahil sexy lang ang magiging role niya sa movie.

Hirit na paliwanag pa ni Marian, hindi kawalan kung Hindi man sila maging magkaibigan ni Heart.

Marian thought, friends sila ni Heart, pero sa pag-amin niya sa nangyaring paninita ng mommy ni Heart, mukhang malabong maging close sila ulit.

Nagsalita rin ang lahat ng cast sa pelikula na pinagsamahan nina Marian, Heart, Lovi Poe, Solenn Heusaff, Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, Mikael Daez, John Lapus at Rufa Mae Quinto, at wala silang natatandaan na nagkaroon ng alitan sina Heart at Marian.

Lahat daw sila, masaya sa set kahit ubod nang init dahil nag-shooting sila sa disyerto ng Paoay, Ilocos Norte.

Remake ang movie na may kaparehong title na idinirek noon ng nasirang Direk Joey Gosiengfiao.

“Na-recognize ang movie nang husto nu’ng namatay na si Direk Joey, pero noong nabubuhay si Joey ay hindi naman ganito,” komento ng producer ng movie na si Mother Lily Monterverde.

Ngayon pa lang, hinuhulaang magiging box-office hit ang movie, na co-produce ng Regal at GMA Films at showing na sa July 6, sa direksiyon ng award-winning director na si Cris Martinez.