Matinding lungkot ang naramdaman ng cast ng Show Me Da Manny nu’ng sabihin sa kanila ng management ng GMA 7 na huling taping na nila `yon last Tuesday.
Hindi napigilan ni Marian Rivera ang umiyak kahit beforehand ay may alam na siya na mawawala na ang sitcom, na umabot din ng almost 2 years.
Sabi ni Marian, sobrang close na sila sa sitcom na `yon. At hindi niya akalain na magtatapos na `yon.
Ang balita namin ay bibigyan ng bagong sitcom si Marian. Pero, hiling niya sa mga executives na sana ay makasama pa rin niya ang mga kasamahan niya sa Show Me Da Manny sa bagong sitcom na ibibigay sa kanya.
Hindi siya in-assure ng management dahil magmumukha nga namang Show Me Da Manny pa rin `yon kung sila-sila pa rin ang magkakasama.
Sey ni Marian, kaya lang niya ginagawa ang Show Me Da Manny kahit pagod na siya sa ibang projects niya ay dahil ito lang daw ang nagpapagaan sa kanyang pakiramdam. Masaya raw siya na kasama ang cast.
Naisulat namin noon na para talaga silang isang buong pamilya sa sitcom na `yon. Kaya nu’ng sabihin sa kanila na last taping na nila `yon, kitang-kita talaga sa mga mukha nila ang lungkot, lalo na nu’ng matapos ang taping, at nagpaalam na sila sa isa’t isa.
Kung titingnan mo sila, para bang hindi na sila magkikita-kita pa ulit. Kaya pati ako ay nalungkot din at na-depress.
Biruin niyo naman, halos umabot nga ng 2 years ang sitcom, at kahit pasulput-sulpot lang si Manny Pacquiao sa taping ay masaya pa rin sila, dahil maganda ang ratings nila.
Pero, management decision nga ‘yon, kaya wala silang magagawa.