Saturday, October 1, 2011

Rhian-Dingdong project, okay na okay kay Marian!

Joe Barrameda


Tinatawanan na lang nina Rhian Ramos at Marian Rivera ang mga intrigang ibinabato sa kanila. Maayos daw ang pagsasama nila sa shooting ng Panday 2 na entry ng GMA Films at Imus Production sa darating na Metro Manila Film Festival sa December.



Okay na okay raw sila at may mga eksena raw sila na magkasama sa Panday 2. Maayos at wala raw tensyon sa set kapag magkasama sila dahil palagi silang masaya.



Graduate na raw si Marian sa mga negative vibes at ang relasyon na lang nila ni Dingdong Dantes ang inaalagaan niya habang namamayani ang Amaya sa ere. Kaya wala na raw dapat maging isyu pa kung pagsamahin man muli sina Dingdong at Rhian sa isang teleserye ng GMA 7.



Kaya sana, manahimik na ang mga intrigera at inggitera. Talbog!