Saturday, October 15, 2011

Marian planong mag-walk out sa laban ni Pacman

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles

Natutuwa para sa mga kasama sa Amaya si Marian Rivera dahil sa mahabang extension ng epic serye, tiyak na maganda ang Pasko at Bagong Taon nilang lahat. Pinakiusapan pala si Marian ng mga kasama na mag-request sa GMA 7 na i-extend ang serye pero hindi na niya kailangang makiusap dahil ang network na ang nag-decide na paabutin hanggang Jan. 13 ang epic serye.



Sabi pala ni Marian, after the Manobo phase, magiging warrior na siya kaya malapit na ang inaabangan ng marami. Nabanggit din nitong ’pag natapos ang Amaya, iiyak siya dahil sobra ang bonding nilang magkakasama rito.



Umiyak siya nang patayin ang mga karakter nina Raymond Bagatsing, Mikael Daez, Gardo Versoza, at Roy Alvarez at wish nitong wala nang mamatay sa mga kasama hanggang sa ending nito.



Tuloy na ang alis nina Marian at Dingdong Dantes sa November para manood ng laban ni Manny Pacquiao, pero two days lang siya at maiiwan ang boyfriend at pamilya nito.



Gusto lang niyang ma-experience manood at ’pag hindi nakayanan, second round pa lang ay lalabas na siya ng venue at hindi tatapusin ang laban.