Saturday, October 15, 2011

Marian's neighbors to receive gifts this X'mas

Written by : Jun Nardo


VERY happy at in love pa rin sa isa't isa sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.


"Happy kami together at sinusuportahan ang isa't isa. Saka, wala, enjoy lang kami! Masaya kami!" pahayag ni Marian na doble ang saya ngayon sa extension ng epicserye niyang Amaya hanggang January 2012.


Balitang magbabakasyon din sila ni Dingdong sa Las Vegas kasabay ng panonood nila ng laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez sa November.


"Kayo naman. Two days lang ako doon. Siya ang mas matagal!" sagot niya.


"Actually, ang tito niya kasi ang nagsabi na manood din ako. Pero ’pag napapanood ko sa TV, si Kuya, parang natatakot ako na panoorin siya nang personal. Tapos, sabi nila, ibang experience ’pag nandoon ka na. Tapos, sabi ko, try ko na kayanin! ’Pag hindi ko na kaya, lalabas ako! Ha! Ha! Ha!" dagdag pa ni Yan-Yan.


Ngayong paparating na ang Pasko, ang gift giving para sa kapitbahay ang aasikasuhin niya at pagbibigay atensyon sa inaanak niyang sa bilang ay otsenta na, huh!


Eh, sa relasyon nila ni Dong, hindi man daw ito perfect ay close to perfect naman. Mabuti nga at natigil na 'yung intrigang pinaghihiwalay sila.


"Nagsawa na rin sila! Ha! Ha! Ha! Buti naman! Okey na 'yon. Lilipas at lilipas din naman kasi! Hayaan mo na. Wala na!" tugon ni Marian.


Pero kahit abala sa trabaho, meron pa ring oras si Marian para kay Dong.


"Oo naman. Susunduin niya ako ngayon. Magdi-desert lang siguro kami,” balita niya.


Kumusta nga pala ang shooting niya ng Panday 2?


"Nakaka-proud dahil parte ako ng Panday. Nu'ng una nang binasa ko ang script, ah, okey. Ako si Aryana. Tapos, nang nabubuo na namin ang Panday, na-realize ko na ang laki pala ng character ko! Talagang nakakatuwa. Buti na lang at tinanggap ko dahil sobrang ganda nu'ng Panday!" chika pa niya.


Talbog daw niya ang ibang leading ladies doon, huh!


"Hindi naman! Huwag ka nang mang-intriga! Okey na 'yon! Ha! Ha! Ha!" tukso ni Yan-Yan sa amin.


Bukod sa Amaya at Panday, tuloy na rin ang sitcom niya pero next year na matutuloy 'yon. Gusto sana niyang makasama 'yung ilan sa cast ng Show Me Da Manny dahil napamahal na sa kanya ang mga ito.


Pati si Lovi Poe gusto niyang isama?


"Lahat! May ganoon? Lahat. Ako, malinis ang konsensiya ko. Malinis akong tao! So kahit ano, kahit sino puwede. Hindi naman ako ang magpapasuweldo sa artista! Wala akong aayawan! Lahat ay welcome sa aking mundo!" deklara ni Marian.