Saturday, October 15, 2011

Marian plans to leave Dingdong in Las Vegas

Written by : Nitz Miralles

Masaya ang thanksgiving presscon ng Amaya  at present pati sina Gardo Versoza, Mikael Daez at Roy Alvarez kahit wala na sila sa epic serye. Tuwang-tuwa ang lahat sa balitang release na ang vol. 1 ng epic serye worth P225 with 12 episodes.


Sabi ni Direk Mac Alejandre malapit nang maging warrior si Marian Rivera at mapapanood siya with a new costume. Masaya si Marian sa mahabang extension ng Amaya dahil may trabaho silang lahat sa Christmas at New Year. Tiyak itong iiyak ’pag nagtapos ang Amaya dahil sobra ang bonding nilang lahat.


Aalis sina Marian at Dingdong Dantes para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, pero two days lang siya at maiiwan si Dingdong. Ita-try lang niyang manood ng boxing at ’pag hindi niya kaya, lalabas siya ng venue.


Sinagot din ni Marian ang isyung nagli-live-in sila ni Dingdong. Sabi nito: “Hindi totoo ’yun! May bahay ako sa Makati at si Dingdong may bahay sa Cubao. Pumupunta siya minsan sa house ko at pumupunta ako sa kanila ’pag iniimbita ako ng mom niya at wala akong makitang masama roon nasa tamang edad na kami.”