Saturday, October 1, 2011

Gina Alajar, sinermunan ng pari!

JOE BARRAMEDA



Na-miss namin si Rajah Mangubat sa Amaya played by Gardo Verzosa. Masuwerte ang versatile actor na tulad ni Gardo na nabibigyan ng iba’t ibang roles.





Pero sabi niya, ang role niya sa Amaya ay maipagmamalaki talaga niya.





Gustung-gusto ni Gardo ang role na Rajah Mangubat sa Amaya.





Nag-enjoy rin si Gardo sa taping nila dahil wala raw pasaway sa set, kaya hindi na kami nagtataka na magandang lumalabas ang bawat episode ng Amaya at mataas ang ratings nito.





Anyway, kaya nang magkasakit si Gardo at sa ilang linggong hindi niya pagte-taping at ipinaalam kay Gardo na kailangan na ring pata*yin ang karak*ter niya sa Amaya ay nalungkot talaga siya. Pero, wala naman daw siyang ma*gagawa.





Mas marami pa ngang kaabang-abang na eksena sa Amaya sa mga darating na araw. Tulad ngayon na namamayani na naman si Dian Lamitan at bumalik na ang kanyang kapangyarihan.





Very effective talaga si Gina Alajar bilang Lamitan. Kung anu-ano na nga ang natatanggap na pang-aalipusta ni Gina mula sa mga manonood ng Amaya, dahil sa husay niya.





Kuwento ni Gina, kahit daw sa simbahan ay sinesermunan siya ng isang pari na obviously ay sumusubaybay sa Amaya. Kaloka, ‘di ba?





Anyway, tungkol kay Gardo, wala man siya sa Amaya nga*yon ay balik-drama naman siya sa bagong project na Ikaw Lamang Ang Mamahalin, kasama sina Jos*hua Dionisio at Barbie Forteza. Ito raw ang ipapalit sa Sinner Or Saint na malapit na ring mag-babu sa ere sa GMA.