Tuesday, October 18, 2011

Extended

Rowena Agilada

Extended ang “Amaya“ hanggang January next year kaya tuwang-tuwa ang buong cast headed by Marian Rivera. Originally, sa pagkaalam nila'y hanggang ngayong October na lang ang naturang epicserye ng GMA7.

Labis ang pasasalamat nila sa maraming tumatangkilik sa kanilang show na hindi lang entertaining, informative pa. Worth lahat ng mga paghihirap ng buong cast dahil marami ang nakaka-appreciate sa palabas nila.

By the way, nakatakdang umalis si Marian kasama si Dingdong Dantes papuntang Las Vegas, USA para manood ng boxing bout nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Kasama rin ang ina at lola ni Marian. His parents, siblings at isang tito naman ang mga kasama ni Dingdong. May haka-hakang baka raw magpakasal na roon sina Marian at Dingdong dahil bakit daw kasama nila ang kanilang respective families.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Marian. Aniya, walang magaganap na kasalan sa Las Vegas. Two days lang sila roon ng lola at mama niya. Kailangan niyang bumalik agad sa Pilipinas dahil kailangan niyang magtaping ng “Amaya.“ Maiiwan si Dingdong and his family sa USA dahil mamamasyal pa sila roon at dadalawin nila ang relatives nila roon.