Saturday, October 15, 2011

Marian, mamimigay ng bigas sa mga kapitbahay

Jun Nardo



Babawi ngayong Pasko si Marian Rivera sa kanyang mga inaanak. Dose anyos pa lang kasi siya ay kinukuha na siyang ninang.





“Napakarami kong plano ngayong Christmas. Ililista ko lahat ng pangalan ng inaanak ko. Kasi magmula nu’ng hindi pa ako artista...Twelve years old pa lang, may inaanak na ako.. Siguro mga otsenta na sila mahigit.





“May mga list ako sa bahay. Saka kilala lahat ng lola ko. Siya minsan ‘yung nagre-remind sa akin na, ‘O ‘yung anak ni ano, ‘yung ano nito. Maglilista na uli kami. Saka every year, bumibili kami ng something para sa kapitbahay namin. Sini-share namin. So this year, ang bibilhin ko naman mga bigas. ‘Yun ang pamimigay namin!” pahayag ni Marian sa thanksgiving party ng extension ng Amaya hanggang January.





Pagdating naman sa boyfriend na si Dingdong Dantes, wala pang naisip ibigay na regalo si Yan-Yan.

“Lahat kasi nasa kanya na. Bahala na...Bahala na,” sambit niya.





“Baligtad naman. Ako naman magbibigay sa kanya ng flowers! Saka chocolates! Wala na, eh. Hindi ko naman alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya!” sey niya.





Naibigay na ba niyang lahat kay Dingdong?





“Hindi naman lahat kasi meron na siya, eh! Ang hirap regaluhan! Card na lang! Ha! Ha! Ha! O ‘yung card na may kiss! Ha! Ha! Ha! Ganoon na lang o kaya flowers. O kaya surprise na lang na ipagluto ko siya! Ha! Ha! Ha!” katwiran ng aktres.





Masasabi ba niyang perfect ang relationship nila?





“Nobody’s perfect! Pero we will try na maging perfect palagi, ‘di ba?” deklara ni Marian.