Tuesday, October 18, 2011

Dingdong, sarap na sarap sa ‘cake’ ni Marian!

Oct. 18, 2011


Ang pagbi-bake ng cake ang pinagkakaabalahan ni Marian Rivera kapag wala siya sa taping ng Amaya.
Say ni Marian, na-challenge raw siya sa pamilya ni Dingdong Dantes, na busy rin at madalas na pinag-uusapan ay ang pagbi-bake ng cake.

Ipinakita nga sa akin ni Marian ang picture sa cellphone ng carrot cake na ginawa niya para kay Dingdong. May dedication pa ang cake na…’To Dad, from My.’
Ano naman ang nasabi ni Dingdong sa lasa ng cake na ginawa niya?

“Ang sarap daw. Naubos nga niya, eh!” sey ni Marian.

Kuwento pa ni Marian, si Dingdong daw mismo ang bumili ng libro sa paggawa ng cake.

“Sabi ko kasi, madali lang naman ang mag-bake ng cake. So, buy siya ng book at sabi niya, sige, pag-aralan mo, tsina-challenge kita na gumawa ng cake.

“At nu’ng natikman niya, nasarapan talaga siya. Hindi ko alam, pero baka binubola lang niya ako. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero, kahit `yung mga kasamahan ko sa Amaya na nakatikim ng cake na ginawa ko, nasarapan din, eh,” pahayag pa ni Marian.