Saturday, October 1, 2011

Aljur, excited kay Marian

(ROSE GARCIA)


Mas maikli pa ang ibaba, bukod sa topless ang costume ngayon ni Aljur Abrenica sa Amaya, kumpara sa Machete noon. Contrary sa napapabalita noon na si Aljur daw ang gaganap bilang si Lapu-Lapu, si Aljur ay si Dayaw, isang Manikiad na sinasabing next in line sa pagiging Bagani, a warrior chief.

Isa rin siya sa magiging love interest ni Marian Rivera. Si Mikael Daez ay pinatay na sa kuwento at kasama sa bagong primetime series na Sundo.


“After ng Machete, na-miss ko na ulit ang magtrabaho sa telebisyon. At siyempre, malaking karangalan sa akin na mapabilang sa Amaya at makatrabaho ang magagaling na actors and actresses sa show kaya hindi talaga ako nagpapabaya sa pagbabasa ng script.


“At siyempre naman, isang malaking karangalan na makatrabaho kong muli si Ms. Marian Rivera.


Excited po akong talaga.”


Medyo nanibago lang daw si Aljur sa costume na ipinasuot sa kanya.


“Mas maikli siya compared sa Machete. Pero okay lang. May mga fight scenes din. Hindi na ako masyadong kabado sa fight scenes kasi may mga fight scenes din naman ako noon sa Machete,” sey ni Aljur "