Wednesday, October 5, 2011

Marian, Dingdong to watch Pacquiao fight

Written by : Nitz Miralles

Nagulat si Popoy Caritativo na nalaman ng press na aalis si Marian Rivera kasama si Dingdong Dantes, manonood ito ng laban ni Manny Pacquiao sa November 18 sa Las Vegas.

Nalaman na lang nitong na-interview ang aktres at ibinalita ang nalalapit na trip nila ng BF. Balak isama ni Marian ang ina at si Dingdong ay kasama ang pamilya, so, family affair ang biyahe ng dalawa.

Tiniyak ni Popoy na hindi maaapektuhan ang taping ng Amaya dahil ngayon pa lang, inaayos na ang schedule ni Marian.

Thankful ito na hindi pa nagsisimula ang sitcom ng aktres at tapos na by that time ang shooting ng Panday 2 nila ni Sen. Bong Revilla.

Samantala after Aljur Abrenica, sina Yasmien Kurdi at Ronnie Lazaro ang mga bagong papasok sa Amaya. First taping day ng dalawa kahapon, si Yasmien ay si Apila, isa ring Manobo, baylan at kababata ni Dayaw (Aljur). Ayaw niya kay Amaya noong una, nagkainteres lang nang malamang babaylan ang dalaga.

Si Ronnie ay si Posaka, ama ni Dayaw na ayaw din kay Amaya.

End ng next week sila mapapanood ni Apila. Si Diana Zubiri, bilang si Kapid, ay nag-taping uli.