MANILA, Philippines - Habang ginaganap ang Victory Party ng FHM at habang rumarampa si Sam Pinto at ang mga pumasok sa 100 Sexiest, nagsu-shooting naman ng Panday 2 si Marian Rivera. Kahit walang trabaho, hindi rin pupunta sa World Trade Center ang aktres dahil hindi siya invited sa Victory Party.
Napansin naman ng fans ni Marian na nasa World Trade Center na tanging siya lang ang walang tarpaulin sa labas ng WTC, gayung number two siya sa may pinakamaraming votes. Hindi naman siguro nakalimutan lang ng mga taga-FHM na maglagay ng tarpaulin para kay Marian o baka sinadyang hindi magpagawa ng tarp para sa aktres.
Siyanga pala, buong araw na basa si Marian sa taping ng Amaya last Wednesday dahil lubluban ang eksena. Kasama ang ilang cast, ilang beses siyang nilubog sa ilog bilang parusa ni Rajah Mangubat (Gardo Versoza) sa kanila. Next week ito mapapanood at after nang mahirap na eksena, kinabukasan, nag-shooting siya ng Panday 2.