Walang time sa intriga si Marian Rivera dahil kundi nagti-taping ng Amaya ay nagsu-shooting ng Panday 2. Kagagaling nito ng Hongkong kasama ang lola at si Dingdong Dantes at pagbalik, sabak na uli sa trabaho.
This week na mapapanood sa Amaya ang eksenang nilublob sa ilog si Amaya at ibang cast bilang parusa sa kanya ni Rajah Mangubat (Gardo Versoza). Buong araw na basa si Marian sa taping dahil kinailangan nilang lumubog sa tubig ng ilang oras.
Marami pang hirap na dadanasin si Marian sa taping ng Amaya dahil kundi October ay sa November pa ito magtatapos. Marami pa siyang pagdadaanan habang nagtatagal ang takbo ng istorya, pero handa naman ang aktres.