Friday, July 15, 2011

Mabait si Marian --Nadine Samonte

Siya ang bida ngayon sa The Sisters na pilot telecast na sa Lunes, July 18, pagkatapos ng Bangis.


“Nakita ko talaga ang pag-aalaga nila sa akin, simula pa lamang nang pumirma ako ng contract sa kanila,“ kuwento ni Nadine nang makausap namin sa first taping day nila ni Leandro Muñoz, sa lighthouse sa Calatagan, Batangas. “Binigyan nila ako ng sarili kong stylist, binigyan nila agad ako ng pictorial. Sa story conference pa lang, nakilala ko na agad ang mga bagong makakasama ko -sina Leandro, James Blanco, Alyana Asistio, Edgar Allan Guzman, Tita Rio Locsin at ang mga bagong contract stars ng TV5, sina Eula Caballero at Victor Silayan. But nariyan din sina Wendell Ramos, Lotlot de Leon, Zoren Legaspi, Tito Eddie Garcia.

Siyempre, hindi na rin iba sa akin si Direk Joyce Bernal at si Direk Argel Joseph dahil naidirek na nila ako sa GMA-7.“


Nagkuwento si Nadine tungkol sa paglipat niya sa TV5 mula sa GMA-7. “Nang makipag-meeting ako sa mga taga-TV5 at sinabi nila ang plano sa akin, naisip ko na risk ang lahat, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Pero tinanggap ko na ang risks, para may bago naman, baka ito na ang new opportunity na hinihintay ko, kaya I grab it.


Inisip ko na dahil bago lang naggu-grow ang TV5, kasabay din akong maggugrow nito.” Walang naman daw offer ang ABS-CBN sa kanya, pero may counteroffer ang GMA nang mag-expire ang contract niya last May 4, dahil may option sila to renew.

“Pero pinag-usapan din namin ito ng family ko, nagtanong din ako sa mga friends ko. Mahirap din kasi dahil for seven years, nasa GMA ako, nahirapan din akong magdesisyon.

Pero naging final decision na rin namin, tanggapin na ang offer ng TV5.”

May mami-miss ba siya sa pagalis niya sa GMA? “Marami po akong mami-miss doon, sina Marian (Rivera), Dennis (Trillo), Sheena (Halili), Maxene (Magalona), at iba pang naging friends ko roon, iyong mga naging nanaynanayan ko roon, pero nagpaalam ako sa kanila at nag-wish sila ng good luck sa akin.”

“Ang pinakamami-miss ko, si Marian, dahil noon pa kami talaga close, simula nang magkasama kami sa Marimar, sa Darna at ang pinakahuli, sa Endless Love. Mabait si Marian, she deserves where she is now, she’s very hardworking.


Isa siya sa una kong sinabihan sa paglipat ko sa TV5 at sabi niya kung saan ako happy, happy rin siya para sa akin.” May ini-expect ba si Nadine sa TV5 ngayong contract star na siya ng network? “I will not expect anything. I will just do my best para matumbasan ko naman ang pagtitiwala nila sa akin,” sagot niya.