Wala pala sa taping ng Amaya noong Sabado at sa shooting ng Panday 2 kahapon si Marian Rivera. Humingi ito ng two-day vacation kay Mac Alejandre na director ng epicserye at pelikula para matupad ang matagal nang pangako sa lola niyang maipasyal ito.
Pumunta sa Hong Kong ang mag-lola Saturday and Sunday at nga*yong Lunes ang balik nila. Tsika sa amin, sumama si Dingdong Dantes sa GF at lola nito, kaya instant bonding ang nangyari.
Ginawan ng paraan ni Marian na matupad ang matagal nang pangako sa kanyang lola at mas masaya ang bakasyon nila dahil sinamahan sila ni Dingdong.