jun nardo
Umaapaw sa tao ang premiere night ng Temptation Island nu’ng Linggo nang gabi sa SM Megamall Cinema 9.
Nagpatalbugan din sa pagsigaw ang mga fans nina Marian Rivera, Lovi Poe, Heart Evangelista, Solenn Heussaff at Rufa Mae Quinto, kaya naman halos hindi na marinig ang dayalog nila, huh!
Very prominent nga lang ang sigawan sa kampo ng fans ni Marian at grupo ng fans ni Heart. May boo kaming naririnig at with matching pito pa! Natawa na lang kami dahil nu’ng bandang huli, may sumigaw na ng, “Pulis! Pulis!” Ha! Ha! Ha!
Nakakaaliw naman ang kabuuan ng movie. Walang pretensyon si direk Chris Martinez na lumabas itong art film. Naging faithful siya sa orig na bersyon ng TI at nagdagdag na lang siya ng nakakabaliw na eksena!
Sa mga female cast, lutang na lutang ang character ni Lovi bilang spoiled brat na kinakaaway ang lahat ng babae sa island. Ginaya niya pati boses ni Jennifer Cortez na unang gumanap sa role niya. Wala ngang pakialam maglantad ng kanyang katawan ang young actress at husay niya sa eksenang sine-seduce si Aljur Abrenica!
Nakaw-eksena rin si Rufa Mae bilang yaya ni Lovi. Simpli-simplihan lang siya nu’ng simula pero lumutang na ang galing niya sa kalagitnaan ng movie. Tama lang na siya ang gumanap sa role na ginawa noon ni Deborah Sun.
Of course kikay na kikay ang dating naman ni Marian.
Jologs na jologs at wala naman siyang pakialam kung masilipan siya sa ilang eksena! Lumabas din ang kalandian niya sa eksena niya kay Tom Rodriguez na umaapaw ang “package” ayon nga kay Solenn.
Pasable na rin ang akting ni Solenn. Pagdating naman sa kissing scene niya kay Mikael Daez, panalung-panalo ito dahil ilang beses nilang ginawa ito at buka kung buka ang mga labi nila, huh!
Virgin-virginan naman ang role ni Heart. Napayatan lang kami sa ilang kuha sa kanya.
Of course, hindi naman matatawaran ang husay ni John Lapus lalo na sa eksenang emote-emote na siya. Inagaw kasi sa kanya ni Solenn ang boyfriend niyang si Mikael.
Ayon nga kay Sweet nang magkita kami sa isang restoran after ng premiere, kumuha talaga siya ng voice coach para tama ang diction niya sa mga English dialogues.
“Siyempre, super rich ang role ko rito kaya hindi puwedeng mali-mali ang diction ko! Kesehodang pay ako sa voice coach basta hindi lang ako mapintasan ng mayayamang bading! Ha! Ha! Ha!”
Anyway, present sa premiere night sina Senador Trillanes at **** Gordon. Sumuporta rin ang Mercator talents gaya nina Fabio Ide, Victor Basa (with Divine Lee na sumakay sa sasakyang Hammer after ng preem), Jake Cuenca, Mother Lily, Roselle Monteverde at marami pang iba.
Siyanga pala, habang on-going ang premiere, may mga tweets si Heart from Brazil at nag-i-emote na naman siya. Sa ending, peace to all pa rin ang mensahe niya at let’s all be friends!