Ngayon lang mapatutunayan na merong sigalot na namamagitan between Marian Rivera and Rhian Ramos. Dati kasi ay tsismis lang ito. Both actresses chose not to comment on the matter, not that they needed to, dahil wala ngang nakaalam na may away sila kaya walang nagtatanong sa kanila.
It was only during Sen. Bong Revilla, Jr.’s birthday celebration ay nasabi nito na naging instrumental siya sa pagbabati ng dalawa. Hindi siya ang nagbati sa dalawa pero siya ang nag-instigate ng batian sa set ng Panday 2 dahil kasama niya ang dalawang Kapuso ladies.
Well, okay, all’s well between the two. At kung kailan sila nagkaayos, saka naman sila puputaktihin ng press para itanong kung ano ang sanhi ng pagkakagalit nila. Will they answer o ipagpatuloy na lamang ang nasimulan nilang pananahimik tungkol dito?