Dapat mamayang gabi o bukas na lalabas si Aljur Abrenica sa Amaya pero nagkaroon ng pagbabago, kaya sa Tuesday na unang mapapanood ang aktor sa epic serye sa role ni Dayaw na isang Manikiad.
Nang ma-interview ang GMA Artist Center ta*lent, nagpahayag ng labis na tuwa sa pagpasok niya sa Amaya dahil primetime at si Marian Rivera ang kasama.
-----
Naurong sa Martes ang labas ni Aljur Abrenica sa Amaya ni Marian Rivera dahil nagkaroon daw ng adjustment sa airing ng epic serye.
Dapat, kundi mamayang gabi, bukas na mapapanood ang aktor, pero dahil sa adjustment, sa Martes na siya lalabas.
Ginagampanan ni Aljur ang role ni Dayaw, isang Manikiad, title ng isang tao na nakapatay ng isa o dalawang tao.
Ang Manikiad ay next in line sa pagiging Bagani, a warrior chief, pero iba si Dayaw.
Dahil laging nauutusang magdala ng mga kalakal (gulay at prutas) sa mga taga-patag, exposed siya sa ibang tao, kultura at paniniwala.
Naniniwala siyang para sila matuto, kinakailangan nila ang outsiders upang mapag-aralan ang kultura ng mga ito.
Hindi pa sinasabi kung paano magkikita sina Dayaw at Amaya (Marian Rivera).