Friday, September 30, 2011
Mahaba-haba ang nilakbay namin patungong location ng 2011 MMFF [Metro Manila Film Festival] entry movie naPanday 2. As expected, medyo nagkaligaw-ligaw kami patungong Istana Farm Gate, Sitio Balimbing, Brgy. Plaza Aldea sa Tanay kung saan nagshu-shooting ang nasabing pelikula.
Mula ito sa direksiyon ni Mac Alejandre, starring Senator Ramon "Bong" Revilla, Iza Calzado, Marian Rivera, Philip Salvador among others.
Last shooting day na ni Marian Rivera para sa kanyang karakter sa Panday 2 bilang Arlana, kaya 'di namin sinayang ang pagkakataon na dalawin ang kanilang set.
Nadatnan namin ang isang building na pinaghirapan gawin ang set para magmukhang pugad ni Lizardo, played by Philip Salvador.
BAGONG KARAKTER SA PANDAY 2. Bagong mukha si Marian Rivera sa Panday 2. Si Marian ang gumaganap na Arlana, love interest ng Panday na si Flavio na ginagampanan naman ni Sen. Bong Revilla.
"Ako dito sa Arlana, ahm...bata pa lang si Flavio, sa maniwala kayo't sa hindi, magka-edad kami ni Flavio dito," simula ni Marian.
"So, bata pa lang siya, e, magkasama na kaming dalawa.
"Tapos, sa lahat ng pagkakataon na kinakailangan niya na i-save siya at mailigtas siya sa mga panganib, palaging nandoon si Arlana," paliwanag ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
FIRST TIME WITH BONG. How was it working with Senator Bong Revilla?
"Oo, first time. Unexpected, palaging gano'n yung sinasabi ko.
"Kasi, minsan pumapasok ako sa isang trabaho na ayokong mag-expect.
"Gusto ko lang yung kahihinatnan. Kung ano yung mangyayari, yun lang yun. So, unexpected na...
"Hindi pala siya mahirap pakisamahan. Mabait siya at lagi kong sinasabing hindi lang siya mabait sa akin, or sa ibang artista, pati na sa lahat ng cast."
Aniya pa, "Okay siya, palaging...'O, kumain ka na ba?' Lahat tinatanong niya. Lahat!
"As in lahat, 'Okay ba? Ano? Okay ba itong si Ganito?'
"'Maayos ba yung ganito? Maayos ba yung set nila?' Lahat gano'n siya.
"Ayon, sa madaling salita, maasikaso siya."
TETAY LIKES HER. Katambal ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes si Kris Aquino sa isa ring Metro Manila Film Festival entry na Segunda Mano. Ayon daw kay Kris, nagpahayag ito na gusto niya si Marian bilang artista at personalidad.
"Oo nga daw, e. Actually, lagi kong sinasabi, everyday tine-text niya ako ng mga quotations tungkol kay Lord na, 'Lord ganyan, ganyan' gano'n siya, e.
"Ahm...siguro sa lahat ng kaibigan niya tine-text niya yun.
"Kasi tine-text din niya si Dong ng gano'n. Tine-text din ako na gano'n," masayang ibinahagi ni Yan (nickname ni Marian Rivera).
Dagdag pa niya, "So, siguro lahat ng friends niya tine-text niya na gano'n.
"Na nakaka-inspire na mga quotations na tungkol kay Lord.
"Na, 'Smile! Today is a brighter day!' parang gano'n.
"Basta madami siyang gano'n palagi. At tulad ng sabi niya, una niya akong naging kaibigan kaysa kay Dong [nickname ni Dingdong Dantes], dahil kay Popoy [Caritativo, Marian's manager].
"So, matagal na niya akong kilala. Hindi lang kami nagkakaroon ng bonding na kumakain sa labas, o nakikita kami together.
"Pero, through communication, through kay Popoy, o kaya sa text niya, may communication naman."
Nag-meet na ba sila in person ng Queen of All Media?
"Nag-meet na kami. Yun nga lang, wala lang chika moment na matagal," pahayag ng lead star ng GMA-7's Amaya.
Pero open ka to also work with her?
"Oo naman, sabi nga niya sa interview niya na nakita ko, gusto daw niya next year, ako naman makasama niya.
"Malay mo, kami naman ang next year, 'di ba? Kung...walang Panday 3," sabay tawa ng aktres.
"So siyempre, given the chance, maganda parehas kaming ano...iba namang istorya sa 'min.
"For sure horror yun! Malay mo ako yung multo. Ako yung mananakot sa kanya!," sinundang muli ng hagikgik ni Marian.