FRJimenez, GMA News
Bagaman nakaka-challenge daw ang pagkaka-extend ng Amaya hanggang 2012, sinabi ng lead star ng epicserye na masaya siya dahil marami ang nadagdag na characters sa naturang primetime hit series.
Kabilang sa mga bagong mapapanood sa Amaya ay sina Aubrey Miles, Diana Zubiri, Aljur Abrenica at Yasmien Kurdi.
“Siyempre nakaka-chalenege pero ang maganda nun lumalaki yung pamilya namin dito sa Amaya. Dumadami kami, padagdag ng padagdag ng mga cast," pahayag ni Marian sa Balitanghali nitong Huwebes.
Dagdag pa ng Kapuso Primetime Queen, todo ang suporta nila sa mga bagong dating sa epicserye lalo na sa mga nahihirapang magbitiw ng linya dahil sa malalalim na salita na sinaunang wikang Filipino.
“Lahat naman sinabi namin kapag bago sa show, ganundin kami nung umpisa na mahirap talagang sabihin yung mga salita bilang malalamin talaga siya. So, nagtutulungan din at yung mga bago ‘pag kakamali sinasabi namin, ‘okey lang ‘yan masasanay ka rin,'" masayang kwento ni Marian.