PAGKATAPOS ng Machete ay wala pang kasunod na project sa GMA-7 si Aljur Abrenica. Kaya na-excite siya nang malamang isasama siya sa Amaya bilang isa sa mga katambal ni Marian Rivera.
“Na-miss ko na rin po ang pagarte dahil matagal na ring natapos ang Machete,“ sabi ni Aljur.
“Kaya nang i-offer sa akin na makasali ako sa Amaya, natuwa ako dahil isang malaking karangalan na mapasama ako sa isang malaking project na pinag-uusapan at sinusubaybayan ngayon ng mga manonood at makatrabaho ang mahuhusay na actor, at si Ms Marian Rivera na first time kong makakatrabaho.
Nag-taping na si Aljur bilang si Dayaw, nitong Friday, sa Pagsanjan, Laguna under Mac Alejandre. Kahit umuulan sa location, itinuloy ang taping dahil Monday (kagabi) or Tuesday (ngayong gabi) na magsisimulang mapanood si Aljur.
Si Dayaw ay isang Manikiad sa tribu ng mga Manobo. Sa kuwento ng Amaya, ang lalaking nakapatay ng isa o dalawang tao ay nagiging Manikiad, at next in line siya sa isang Bagani o warrior chief. Si Dayaw ay nagdadala ng mga gulay, prutas at iba pang kagamitan mula sa bundok sa mga taga-ibaba. Siya ang makakakuha sa sugatang si Amaya na nakalutang sa ilog nang mahulog ito mula sa bangin.
Kusang nagsaksak si Amaya sa sarili para mailigtas si Bagani (Sid Lucero) na madungisan ng kanyang dugo ang kamay nito kapag napatay siya
Hindi ba nanibago si Aljur javascript:ss.hotlink()sa costume niya bilang si Dayaw?
“Medyo maikli lang ang ibaba ng costume, pero okey lang dahil mas may takip naman ang pang-itaas nito kaysa noon sa Machete. May fight scenes ako pero hindi naman mahirap dahil pinag-aralan ko na ito noon bago ko pa ginawa ang Machete.“
Samantala, hindi raw totoo ang issue na kaya pinatay ang character ni Lumad (Mikael Daez) sa story ay dahil papasok si Aljur. Dahil kahit manatili sa Amaya si Lumad, puwedeng ipasok ang character ni Dayaw.
Pero kailangang gawin na iyon sa story dahil may gagawin na ring bagong primetime show si Mikael, ang soap na pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos (magsisimula na ring mag-taping this month).
May iba pang characters na papasok sa Amaya, at muling mapapanood si Diana Zubiri bilang si Kapid (kakambal na ahas ni Amaya) na magkakatawang-tao para buhayin ang nasugatang kapatid.
Extended ang Amaya hanggang second week of January, 2012.