Tumanggap ng pagkilala mula sa Meycauayan Jewelry Industry Association, Inc., ang top-rating epicserye ng GMA 7 na Amaya at ang Philippine Treasures na documentary special ng News and Public Affairs.
Ang pagkilala na ibinigay ng naturang jewelry association sa Amaya at Philippine Treasure ay bunga ng pagpapakita ng dalawang programa sa mayamang kultura ng Filipino sa tradisyon at pag-aalahas.
Ang Meycauayan Jewelry Industry Association, Inc. ay binubuo ng 135 mag-aalahas sa Meycauayan, Bulacan
Ang Amaya ay pinagbibidahan ni Marian Rivera, habang si Miss Mel Tiangco naman ang naging host ng special documentary na Philippine Treasures.
Karamihan sa mga alahas na ginagamit ng mga karakter sa Amaya ay ginawa ang mga mag-aalahas mula sa Meycauayan.
"Recognitions like this inspire us to make our programs not only more appealing to our audience but also more educational while at the same time entertaining," ayon kay Senior Program Manager Cheryl Ching-Sy, na tumanggap ng parangal para sa Amaya.
"We are thankful to the Meycauayan Jewelry Industry Association for making us the first entertainment program to be awarded by their organization," dagdag ni Ching-Sy.
Ayon naman kay Ms Tiangco: "Isa sa mga mithiin ng programang Philippine Treasures ang palaganapin ang appreciation ng sambayanan sa mga yaman ng ating bansa."
Ang Philippine Treasures ay ipinalabas sa GMA's Sunday Night Box Office (SNBO) noong September 11, habang ang Amaya ay mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. –