Kakaanunsiyo pa lang ni Robin Padilla na may gagawin siyang movie sa Regal Films at sila raw ni Marian Rivera ang magiging magkapareha, heto at in full-force na agad sa pag-action ang mga fans nina Marian at Dingdong Dantes sa pagtutol na matuloy ang movie na ito.
Balitang pang-Valentine’s movie raw ng Regal ang pelikulang pagsasamahan nila sa unang pagkakataon, pero, mabilis talagang umaksyon ang mga fans ng da*lawa at hindi sila nagpapalipas ng oras para iparating ang kanilang pagtutol o hindi pagsang-ayon sa naturang projects.
Kung siguro nga, sa part ng mga Padilla ay wala lang or nakalimutan na nila ang naging isyu noon between Marian and Bela Padilla, sa part ng mga fans nina Marian at Dingdong ay mukhang sariwang-sariwa pa rin ito.
Hindi rin nila makalimutan na may sinabi raw ang nanay ni Robin, si Mrs. Eva CariƱo-Padilla against Ma*rian dahil nga kamag-anak nito si Bela. So, ang ending, obviously, ayaw ng mga Dongyan fans na ma-associate pa si Marian sa mga Padilla. Kahit sabihin pa na wala namang kinalaman si Robin sa naging isyu noon nina Bela at Marian, huh!
Anyway, narito ang ilang email ng pagprotesta ng mga Dongyan fans sa Robin-Marian movie.
From showbiz latest of latestshowbiz@gmail.com, “Huwag sana matuloy ang nilulutong movie daw ni Marian at Robin sa Valentines! Ano bang pumapasok sa isip ng Regal at si Robin ang gustong ipareha? Ang dami pa naman diyan magagaling at mas bata kay Ro*bin! Please pakipaalam sa Regal na ‘di kami pabor na ituloy ‘yan! At baka kung ano anong gimik pa ang maglabasan!”
Galing naman kay dizzy wind na may email ad na wind.dizzy28@gmail.com, “Ngayon pa lang tumututol na kami sa pinaplano ng Regal na pagsamahin sa Va*lentine movie sina Ro*bin at Ma*rian! Masyadong ma*tanda na si Robin para ipareha dyan kay Ma*rian! At nagkaisyu pa ang nanay ni Robin kay Marian nu’ng Belat Padilla isyu! Marami s’yang ‘di magandang sinabi kay Marian! Pa*ging Regal, please humanap kayo ng matinong leding man ni Marian!”