Napaiyak kahapon si Marian Rivera sa presscon ng Temptation Island dahil ipinaalaala sa kanya na siya ang nagkumbinsi kay Heart Evangelista na tanggapin nito ang project.
Matatandaan na mun*tik nang mag-back out si Heart sa remake ng Temptation Island dahil sa mga sexy scene. Nalutas ang problema nang pagpalitin ang mga karakter na gagampanan nina Heart at Lovi Poe.
***
May paghihinakit ang tono ng boses ni Marian nang sagutin nito ang isyu na nagkaroon sila ni Heart ng misunderstanding habang ginagawa nila ang Temptation Island.
Pinanindigan ni Ma*rian na wala silang away ni Heart kaya ikinagulat niya ang insidente na nangyari sa airport nang bumalik sila mula sa shooting ng pelikula sa Ilocos Norte.
Tumanggi si Marian na ikuwento ang kumpletong detalye ng airport incident, pero nabanggit niya ang labinlimang bodyguard o pulis na kasama umano ng ina ni Heart at sumalubong sa kanila. Hindi rin kinumpirma ni Marian ang balita na si*nigawan siya ng nanay ni Heart.
Makahulugan ang pahayag ni Ma*rian na “Akala ko kaibigan ko siya, hindi pala. Hindi kawalan sa akin....
***
Hindi napigilan ni Rufa Mae Quinto na magsalita nang marinig niya ang 15 pulis na sinabi ni Marian na diumano’y kasama ng nanay ni Heart sa airport.
Ayon kay Rufa Mae, mismong si Heart ang nagsabi sa kanya na limang pulis lang ang kasama ni Mrs. Cecile Ongpauco (Heart’s mother).
Dumami raw ang bilang ng mga pulis dahil sa ibang mga pulis na dumating at nagpalitrato na kasama ang Temptation Island girls.
Nakiusap naman si Lovi Poe na huwag nang pag-usapan ang kontrobersya alang-alang sa concerned parties na wala kahapon sa presscon.
Hindi dumalo si Heart sa presscon ng Temptation Island dahil nagbabakasyon sila sa Brazil ng kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga.