Saturday, June 25, 2011
MARIAN AND HEART. Hiningan naman ng PEP si Sweet ng opinion tungkol sa isyu sa pagitan nina Marian at Heart.
Kaibigan ni Sweet si Marian.
"Oo naman! Pero kaibigan ko rin naman si Heart. It's just one thing na nangyari na wala talaga ako nung actual na nangyari.
"That was a Friday, rumampa ako sa Laoag. Apparently, akala nila may shooting pa ako ng Friday. Natapos ako ng Thursday, ang flight ko going back [to Manila] was Saturday. The whole day Friday tapos na tapos na ako sa pekikula. So anong gagawin ko sa set?
"Panggulo lang ako dun... Yung mga anak-anakan kong bakla doon, nirampa ako sa Laoag. Inikot ako.
"So wala akong kamalay-malay. The next morning, Saturday, bumalik na ako [sa Manila]. Birthday ni Phillip Lazaro sa The Library, may nagtanong sa akin tungkol sa isyu, e wala naman akong kaalam-alam.
"Yun na nag-text na ako sa mga tao so Sunday lang ako nagkaroon ng idea. Pero vague pa rin, until si Raymond [Gutierrez], sinabi sa akin sa Showbiz Central. Hindi na ako nakapagsalita kasi nga, 'Ah okay kalat na pala.'"
Sila ni Marian napag-usapan ba nila ang isyu?
"Hindi, e. Si Marian ano yan, she fights her own battle. She... I think we all know her, she's not the type na magsusumbong.
"Kami ni Popoy [Caritativo, Marian's manager], pinag-usapan namin yan. Ever since, si Marian is like that. She's not the type na magsusumbong, she's not the type na kukuha ng kakampi.
"She fights her own battle, she's a brave strong woman.
"So iyon din naman ang ina-admire ko sa kaibigan ko na yan.
"Si Heart, kaibigan ko din pero yun na nga, hindi na namin siya nakita after the incident, e."
During the presscon nga ng Temptation island (na ipapalabas na sa July 6) ay wala si Heart; nasa Brazil ito kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.
NO EFFECT ON MOVIE. Sa tingin ni Sweet, may negative effect ba ang isyu sa movie nila?
"Ay, wala naman siguro. Sa sobrang ganda ng pelikula namin, I don't think na any negative issue like this... to make our movie a big flop. Wala na, in the bag na ito.
"Kahit may lumabas pang sex video sa isa sa mga cast o... isa diyan mabuntis, may ganun... hindi. Kuha mo? Kahit anong nega, hindi matatabunan ang kagandahan ng pelikula namin."
Hindi siya gagawa ng move na pagbatiin sina Marian at Heart?
"Hindi, kasi wala naman pong lumalapit sa akin. Ako, happy ako na kaibigan ko silang dalawa at wala ni isa sa dalawa na nagsumbong sa akin. Siguro in a way, ayaw din nila na maipit kami na mga kaibigan nila, iyon lang naman yun."
Palaisipan pa rin nga kung ano ang nakarating sa ina ni Heart kaya nagkaroon ng insidente sa airport.
"Maski ako clueless, e. Siyempre hindi ko naman matanong kay Marian, malay din ba ni Marian?
"Promise ako pag nakita ko si Heart, tatanungin ko, 'Ano ba sinabi mo sa nanay mo para magdala ng pulis?'
"Iyon lang naman yun, e."