Monday, July 18, 2011

Marian hindi na kailangan ibuyangyang ang kanyang katawan para mapansin!

un nardo
Walang isyu kay *Marian Rivera o ing*git, kung si Sam Pinto ang number 1 sa FHM’s Sexiest at pumangalawa lang ang Amaya star.

Tutal naman, naigawad na sa kanya noon ang top spot to think na hindi pa siya nagpu-pose ng sexy sa magazine, huh!


Besides, hindi na kailangan ni Marian na ibuyangyang ang kanyang katawan para mapansin siya. Sa totoo lang, kahit hindi magpaseksi, malakas ang appeal ng aktres hindi lang sa mga lalaki kundi sa lahat ng uri ng tao!


Eh, sa costume nga niya sa Amaya, nagpapasilip pa lang ng alindog niya si Marian and yet, hayun at patuloy ang pag-conquer sa ratings sa primetime, huh! What more kung itodo niya ang pagpapaseksi? Naku, baka talbugan niya ang ratings ng pinakamataas na nakuha ng isang programa sa TV, huh!


So para kay Sam, isang challenge sa kanya ang paghirang bilang sexiest woman ng FHM. Ipakita niyang hindi lang siya isang sex object kundi isa ring future star! Husayan niya ang pag-arte at nang sa gayon, ‘yun ang mapansin sa kanya kesa ang katawan niya, ‘no?


Sa totoo lang, ni hindi nga namin matandaan ang hitsura ni Sam, huh!