rey pumaloy
Hindi pala garantiya na kahit nakipagbati na si Cristy Fermin kina Marian Rivera at Angel Locsin ay hindi na niya pipitikin sa kanyang panulat ang dalawa. Sabi ni Cristy, hindi niya maikukompromiso ang kanyang pagiging journalist kina Marian at Angel kapag may nalaman siyang hindi magandang balita na dapat niyang kastiguhin ang dalawa.
Sabi nga ni Cristy, trabaho lang ang punahin niya ang kung anumang mali o hindi kanais-nais na ginagawa ng mga artista sa showbiz. Isang paraan daw ‘yon para paalalahanan ang mga artista na hindi sila mga diyos na nakaangat ang mga paa sa lupa.
Ikinatuwa lang ni Cristy ang pakikipag-reconcile sa kanya nina Marian at Angel. Parehong sa shop ng make-up artist na si Bambi Fuentes naganap ang pakikipagbati ni Cristy sa dalawa.
Kuwento niya, ilang beses na raw niyang nakakasabayan si Marian sa shop ni Bambi pero hindi sila nagpapansinan dahil magkalayo ang kanilang puwesto. Nu’ng minsang dumating si Marian at binati nito ang kanyang make-up artist, hindi nito alam na ang inaayusan ng make-up artist ay siya. Nu’ng paglingon daw ni Cristy kay Marian, niyakap daw siya ng aktres at parang batang nagpapadyak habang sinasabi ang mga katagang “Nay, tama na po! Tama na po!”
Ganun din daw si Angel nu’ng magkita sila nito sa beauty shop. Niyakap daw siya ng aktres at nakiusap na huwag na siyang tirahin sa kanyang mga columns.
Isa sa mga nakitang pagbabago ni Cristy kay Marian ay ang hindi nito pagsagot sa pagpapa-interview ni Heart Evangelista kaugnay sa naging away ng dalawa. Ikinatuwa naman ni Cristy ang pagdating ni Angel sa kanyang birthday last Friday kahit contract star ito ng ABS-CBN 2.