Showing posts with label Marian Rivera. Show all posts
Showing posts with label Marian Rivera. Show all posts

Thursday, June 23, 2011

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian.

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

"Yun na nga lang, pagdating doon sa airport, nagulat ako," saad ni Marian.

Kung sinasabi niyang walang away na nangyari sa pagitan nila ni Heart, bakit may ganung insidente sa airport? Nagkaroon ba sila ng pagtatalo ni Heart?

"Walang away na nangyari, yun talaga ang totoo," diin ni Marian.

"Siguro misunderstanding ng magkaibigan.

"Pero sa nangyari do'n sa airport, parang hindi yata niya ako kaibigan.

"Parang nagulat lang ako na bakit nagkaroon ng ganun, e, pag-alis namin galing Laoag, maayos kaming lahat, masasaya kaming lahat.

"So, medyo nagulat lang din ako na pagdating ko ng airport, may mga ganung nangyari. Na kahit ako, parang na-shock ako na...

"Buti nandun si Lovi sa tabi ko para i-comfort niya ako sa mga nangyari... Alam n'yo na 'yon kung ano ang nangyari."

"WALANG AWAY NA NANGYARI." Wala bang ginawa si Heart pagkatapos ng insidente? Nagkausap na ba sila tungkol dito?

"Hindi, hindi kami nagkita, hindi kami nag-usap. Wala talaga.

"Yun ang point do'n, e, akala ko kasi maayos kami. Yun pala hindi para sa kanya.

"Nagulat lang din ako."

So, hindi na-settle ang isyu sa kanila bago umalis si Heart papuntang Brazil?

"Hindi, okay kami. Yun ang ipinu-point ko—maayos kami.

"Wala ngang issue, walang away na nangyari.

"Nagulat na lang ako na pagdating dito, ganun ang nangyari," saad ni Marian.

Masama ba ang loob niya? Na-trauma ba siya sa bodyguards, na sinasabing dala-dala ng mommy ni Heart nang sunduin nito ang anak sa airport?

"Next time, kung 15 ang dala nila, ako siguro mga isandaang bakla ang dadalhin ko para ipagtanggol ako!" medyo natatawa niyang sabi.

Pero ani Marian, "Kasi ang hirap din magbuhat ng sariling bangko na eto ang nangyari, ganito ang nangyari.

"Siguro itanong n'yo na lang 'yan sa mga cast—sorry, ha—sa cast na nandoon, mga crew na nandoon.

"Sila mismo ang magpapatunay kung ano talaga ang nangyari. Kung ano ang ginawa ko at kung ano ang ginawa nila."

Ano ang nararamdaman niya ngayon?

"Sa nangyari sa airport? Laking pasasalamat ko sa Diyos na pinalaki ako ng lola ko na may respeto sa nakatatanda sa akin," sagot ni Marian.

"HINDI KO INAASAHAN." Binanggit ni Marian kanina na tila nagkaroon sila ng "misunderstanding bilang magkaibigan" ni Heart. Kaya tinanong si Marian kung ano ang "misunderstanding" na nangyari sa kanila.

Aniya, "Eto talaga ang punto diyan, ha. Alam ni Lovi 'yan, wala talagang nangyari.

"At hindi ko lang alam kung bakit lumabas na may nangyari. Dun ako naguguluhan.

"Ang saya-saya naming nagsu-shooting do'n.

"Nag-bonding kami. Nakilala ko nang mabuti si Sweet, si P-chi, si Lovi, si Solenn bakla rin pala...

"Alam mo yung gano'n, na ang saya-saya namin, na bigla na lang nagkaroon ng ganoong isyu.

"Pagdating dito sa Manila, nangyari nga 'yong hindi ko inaasahan.

"Hindi lang ako, lahat kami na-shock talaga."

May kinalaman ba rito ang isyu na sinabihan daw siyang "bobita" at hindi raw siya marunong mag-Ingles?

"Hindi naman do'n nanggaling, e," sabi ni Marian.

"Hindi mo naman maku-control yung mga tao kung ano ang gusto nilang sabihin sa 'yo.

"Pero siguro kung nabalitaan n'yo 'yan, nabalitaan ko din 'yan, pero dinedma ko na lang.

"May mga gano'n talaga na nagsabi, isang fan niya [Heart] yata or whatever. Okay lang.

"Kasi ang importante sa akin, dapat maayos kaming dalawa.

"Na akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi.

"So, nakakapagtaka lang kung bakit nangyari 'yon, bakit nila ginawa sa akin 'yon."

THE AIRPORT INCIDENT. Pero ano nga ba talaga ang nangyari sa airport noong June 13?

"Marami namang tao ang nandoon, pero siyempre naiintindihan ko naman sila kung wala silang masabi o wala sila talagang nakita.

"Pero ayoko na lang mag-focus sa isyu na 'yan, kung ano ang nangyari sa airport.

"Ang dami namang nakakita, so sila na lang yung magkuwento kung ano yung nakita nila doon."

Pero sinigawan ba talaga siya ng mommy ni Heart?

"Itanong n'yo na lang sa mga nakarinig at nakakita," maikling tugon ni Marian.

Pagkatapos nito ay biglang sumingit si Rufa Mae Quinto at nagpaliwanag tungkol sa sinasabing "bodyguards o kapulisan."

"Hindi ko alam, Marian, kung nasabi ko na sa 'yo... Basta ang alam ko noon, sabi niya [Heart], lima lang naman daw.

"So, kumbaga, kung naging 15, hindi na nila kilala 'yon..." aniya.

Sabi pa ni Rufa Mae, nakipag-picture lang daw yung ibang pulis sa kanila.

"Kaya dumami yung eksena. Naging todo-todo yung eksena!" natatawa pa niyang sabi.

Pero sumingit din si Lovi Poe at sinabing, "I'm sorry, I don't mean to butt in, but I think it's best na we don't talk about it now because both parties are not here to defend themselves.

"So, I think na huwag nang pag-usapan..." pakiusap pa niya.

"HINDI MO KAWALAN." Kung matatandaan, si Marian ang nagkumbinsi kay Heart na tanggapin ang Temptation Island. Bago kasi magsimula ang pelikula ay nag-alangan si Heart na tanggapin ito dahil sa ilang maseselang eksena.

Pero kinausap siya ni Marian at sinabihan na huwag mag-alala dahil hindi siya pababayaan nito. At sa huli nga ay pumayag si Heart na gawin ang pelikula.

Dahil sa nangyari, nagsisisi ba si Marian na kinumbinsi pa niya si Heart na gawin ang Temptation Island?

"Sa inyo na nanggaling 'yan, ako ang nagkumbinsi sa kanya na gawin niya 'to at inaalalayan ko siya," sabi ng aktres.

"Hanggang kaya ko siyang ipagtanggol kapag nagsusumbong siya sa akin, ginagawa ko 'yan.

"At walang nangyaring away at kung anumang sinasabi na nangyari sa amin do'n sa Ilocos.

"So, doon pa lang mapapatunayan n'yo na kung ano ang nangyayari dito at paano ang punto nito.

"So, pinagsisisihan na [kinumbinsi]? Nakakapang-ano lang, parang...

"Kasi akala ko kaibigan ko siya at walang nangyari sa amin, yun pala hindi.

"So, 'yon lang. Hindi ko kawalan," deklara niya.

Walang pagsisisi, pero merong konting panghihinayang?

"Wala, kasi ang hirap, e, parang... Si Lovi, siya [Heart], kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n?"

Dito sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Marian na mapaiyak.

"Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin...

"Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya...

"Alam ng lahat ng cast... Kapag may nangyayari sa set, kahit maliit na bagay, nalalaman ng lahat ng buong cast 'yan—staff, crew, director—pero bakit sila, wala silang alam?

"Ibig sabihin talaga, malinaw na walang nangyari.

"Yun nga lang, pagdating ng airport, may nangyaring ganun, na hindi ko rin maintindihan.

"At kahit isa man sa amin, walang maipaliwanag kung bakit nila ginawa 'yon," lahad niya.

Pero sa huli ay nagawa pa ring magbiro ni Marian.

"Sa set, natuto na ako... Magdadala ako ng mga isang daang bakla na bodyguards ko... Malalaki ang katawan, ha!" natatawa niyang sabi.

Pagkatapos ng presscon proper ay gusto pa sanang interbyuhin ng press si Marian para sa dagdag na pahayag, pero tumanggi na siya dahil tama na raw ang mga sinabi niya.

Nauna rin siyang umalis kasama ang manager niyang si Popoy Caritativo.

HEART'S TWEETS. Samantala, ngayong gabi ay nag-tweet naman si Heart Evangelista sa kanyang Twitter account bilang sagot sa mga pambabatikos na natatanggap ng kanyang ina na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Narito ang magkakasunod niyang tweets mga bandang 6:15 p.m.:

"why is it so unfair? too much.

"someone ...please do something if not i will have no choice.

"i may not be on the same page with mom 90% of the time but she is my mother so stop bashing her.if any lie is said...

"...with your info displayed then you will get what you deserve.sobra na po talaga.totally not fair anymore.this will be the last time...

"..i will tweet about this negative vibe.iam on vacation and having a nice time and all i ever wanted was to finally laugh since...

"...all i did was be silent and cry.tama na po.lets not be unfair.god bless and peace to all."




Wednesday, June 22, 2011

Eight official entries selected for 37th Metro Manila Film Festival

by Jocelyn Dimaculangan
Wednesday, June 22, 2011


Eight entries will be competing for the 37th edition of the Metro Manila Film Festival (MMFF).

Metro Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman and 2011 MMFF executive committee head Francis Tolentino recently announced the entries that were chosen to take part in the 37th edition of the MMFF.

After competing against each other in last year's edition, Vic Sotto and Ai-Ai delas Alas have decided to come together for Enteng ng Ina Mo. Tony Reyes will direct this comedy-fantasy produced by ABS-CBN Film Productions Inc., M-Zet TV Productions, APT Productions, and OctoArts Films.

Senator Bong Revilla once again reprises the role of the famous blacksmith in Panday 2, wherein he will star opposite Marian Rivera and Iza Calzado. Phillip Salvador will also be joining them in this fantasy-action directed by Mac Alejandre and produced by Imus Productions Inc and GMA Films.

Kris Aquino will return to the horror genre via MJM Productions' Segunda Mano, with Dingdong Dantes as her leading man.

Robin Padilla will topbill the action-adventure titled Mr. Wong. Trina Dayrit and Retchie del Carmen will direct this film produced by RP Studio.

Judy Ann Santos will make her showbiz comeback through a romantic comedy with her real-life husband, Ryan Agoncillo. Jose Javier Reyes will helm OctoArts Films' My HouseHusband.

After producing the period film Rosario last year, Studio5 offers a contemporary drama titled Yesterday, Today & Tomorrow. Dennis Trillo will get to work anew with Heart Evangelista while getting the chance to star opposite Carla Abellana and Ritz Azul for this Jun Lana film.

Regal Entertainment Inc. fielded two entries this year: a family comedy titled Hototay and the horror trilogy Shake, Rattle & Roll 13.

SRR 13 will be starring Eugene Domingo, Paulo Avelino, Lovi Poe, Kathryn Bernardo, Albie CasiƱo and Maricar Reyes. The three segments will be directed by Chris Martinez ("Lunod"), Richard Somes ("Tamawo") and Jerrold Tarog ("Parola").

Regal partnered with SMDC for Hototay, which will be topbilled by John "Sweet" Lapus, Ruffa Gutierrez, Andi Eigenmann, Lovi Poe, and Melai Cantiveros. Joel Lamangan will helm this movie.

Mother Lily Monteverde, matriarch of Regal, explained why Hototay is different from the Mano Po film series that they did in the past.

"Iba naman ito, some characters have mixed nationalities like Indian."

The criteria used for selecting the films are as follows: a) story, creativity, global appeal (40%); b) commercial viability (50%) and c) Filipino cultural and historical value (10%).

RIGHT COMBINATION. Aside from revealing the films that will be competing, MMFF executive committee head Francis Tolentino also revealed that some practices last year will be implemented again this year.

"I'd like to commend the selection committee for a job well done. I see the combination as very appropriate for the coming 2011 MMFF, the right combination of comedy, fantasy, romance, horror, and drama.

"These are really rooted in the MMFF's desire to have a family-oriented film festival.

"We also intend to have an OFW and a member of the Muslim community on the board of jurors. Merong selection process to choose them. We will touch base with appropriate government agencies."

Just like last year, independent films will once again be part of the MMFF but they must now adhere to the chosen topic of the executive committee.

"Ang nire-request ko po na ang mga sasali na independent films, sana mag-submit sila ng films concerning the life of Dr. Jose Rizal. Our national hero is celebrating his 150th birthday this year.

"Kung maaari po ang limang pelikula o mas marami ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani para mas lalo pang tularan ng kabataan ang kabayanihan at kadakilaan ng buhay ni Dr. Jose Rizal," said Mr. Tolentino in closing.