Written by : Leo Bukas
BUKOD kay Sen. Bong Revilla na katatapos lang magdiwang ng kanyang birthday sa Diamond Hotel nu’ng Sunday night, isa sa sobrang proud para sa pelikulang Panday: Ikalawang Aklat na ipalalabas sa December MMFF ay ang sister nitong si Andeng Bautista-Ynares, asawa ni Gov. Junjun Ynares ng Rizal.
“Malapit na ang December at excited na ka-ming ipapanood sa mga tao ang pinaghirapan ng kuya (Bong) ko at ng production team ng Panday 2,” masayang pahayag ni Andeng.
Ipinasilip ni Bong sa kanyang mga bisitang entertainment press ang ilang bahagi ng trailer ng Panday 2. And we all liked it.
Sa katunayan, kada matatapos ang trailer, nagpapalakpakan ang kanyang mga panauhin, huh!
Hollywoodish ang dating ng trailer at ang special effects na ginamit dito. Pero mas naka-nakaw ng pansin namin ang mga eksena ni Bong at ng sidekick niyang dinosaur named Bagwis. Sa eksena kasing ipinagtatapat ni Bong kay Bagwis na nakahanap na siya ng babaing mamahalin, tila nagseselos ito. Kitang-kita sa mukha ni Bagwis na nagugulumihanan siya at hindi mapakali.
Ang galing ng pagkakagawa ng naturang eksena. Very impressive ang confrontation ni Bong with Bagwis na isang computer-generated character lamang. Na-amaze kami kung paanong pati ang emosyon ng isang dinosaur ay very believable na naipakita on screen.
Curious tuloy kaming panoorin ang kabuuan ng Panday 2 para malaman namin kung bakit biglang naging ganu’n ang behavior ni Bagwis.
Nagseselos ba siya dahil nakilala ni Bong si Marian Rivera na leading lady niya sa movie? O baka naman bading si Bagwis at type niya si Bong?
Nakakaloka!
Anyway, kitang-kita sa teaser at trailer ng Panday 2 na pinagbuhusan ito ng panahon at paghahanda ng Imus Productions at GMA Films.
“Hinding-hindi kami mapapahiya sa Panday 2. This is another quality yet entertaining film from Kuya Bong and Imus Productions that we are really truly proud of,” pahayag pa ni Andeng.